Kung nagkataon pala, wala tayong kamalay-malay, pwedeng natsugi si Luis Manzano ng hindi natin alam. Buti na lang, beign naman pla ang bukol niya sa ulo.kaya bilang celebration, nagpagupit raw siya ngg maikli.
Magkaroon ng medical procedure kay Luis noong Sabado, May 4, 2024 sa Makati Medical Center. Ipinaalis niya ang lumaking nunal sa ulo, at ipina-biopsy.
Bata pa lang daw si Luis ay alam na niyang ay nunal siya sa ulo kaya hindi siya nababahala dito, pero napansin ng kanyang hairdresser na lumalaki nga ito kaya medyo nag-worry siya. Una raw niya itong ipina-check-up sa Belo Medical Center at sabi ng duktor ay okay naman. Pero kung gusto raw nakasiguro, surgeon ang dapat tumingin, at ipa-biopsy na rin para malaman kung cancerous o hindi.
Hindi raw naman takot mamatay si Luis, pero hindi ngayon, dahil napakabata pa ng kanyag anak na si Peanut at kailangan pa nito ang ama, kaya laking pasasalamat niya sa Diyos nang lumabas na negative ang resulta ngg biopsy.
Bago ang resulta, ipinaglihim daw niya ito sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang inang si Vilma Santos para hindi sila mag-alala.
“Ang cancer kasi, it’s one of those things na kahit sa kalaban mo, hindi mo iwi-wish,” ani Luis. “So, even if nandoon yung reassurance na ‘wala yan, precautionary lang, kakabahan ka pa rin.’
Si Jessy Mediola lamang daw na kanyang misis ang nakakaalam para makapag-ready ito sakaling mag-positive siya sa cancer.
Pinakamahirap daw sa kabya ang paghihintay ng resulta. Kaya nang lumabas raw na negative ang biopsy, sobrang saya niya, na parang nanalo siya ng Php1 million. NLVN