LULJETTA’S PLACE GARDEN SUITES

LULJETTA’S PLACE GARDEN SUITES

A Serene Place Like No Other

(Ni Cris Galit)

HINDI eksaherada ang natural na ganda ng lugar na ito. Para akong nag-time travel sa isang maganda at maaliwalas na tanawin. Nakalimutan ko ng bahagya ang sobrang init ng panahon dahil sa mga nakare-relax na view, ­modern facilities at amenities na mayroon dito.

Ito ang personal kong reaksiyon nang makarating sa Luljetta’s Place Garden Suites.

Maraming resort at lugar sa Antipolo na maaaring puntahan pero ang Luljetta’s Place ang masasabi kong “A serene place like no other!” ­

See it to believe it—‘ika nga. Ito ang mga dahilan kung bakit.

“SuMaKa”

Suman, Mangga at Kasoy o SuMaKa na sikat na delicacy ng Antipolo ang bubungad sa iyo para i-welcome ka nila sa magandang lugar na ito. Matitikman mo ito na may dalang ngiti sa iyo at sa mukha ng kanilang well-trained, magagalang at accommoda­ting na staff.

Dito mo lang din matitikman ang sikat na delicacy na ito na tradisyunal ding ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo—ang SuMaKa Festival.

“Instagramable”

Place and Amenities

LULJETTA S PLACE-1Sinisiguro kong magugustuhan ito ng buong pamilya, ng magbabarkada, ng magkakatrabaho at higit sa lahat, ng magkarelasyon dahil nandito ang lahat ng kailangan mo: iba’t ibang pool, playground para sa mga bata, malawak na team-building area at siyempre, ang kanilang ipinagmamalaking health and wellness services– spa!

Talaga namang “instagramable” ang buong Luljetta’s Place. Makikita rito ang tinatawag nilang “Kiss of Grandeur”, Santorini-inspired pool at Santorini Suite, Jardin del Sol kung saan nagkakaroon din ng acoustic night tuwing summer, function rooms tulad ng Ibarra Hall 3 at marami pang iba na maaaring pagdausan ng wedding ceremony, debut at birthday parties.

Kahit saang sulok ng lugar ay maa-appreciate mo ang likas na ganda. Hindi mo rin mararamdaman ang init ng panahon dahil sa mga puno, nakalambiting sanga at ugat na sad­yang ginawa para natural na mapalibutan ng lilim ang paligid.

Matatanaw mo rito ang nakamamanghang tanawin ng Laguna de Bay at Metro Manila—lalo na sa gabi dahil sa nagliliwanag nitong ilaw mula sa mga tahanan, building, sasakyan at street lights.

Affordable Room Accommodations

Santorini-SuiteMarami ring mapagpipiliang room accommodations ang Luljetta’s Place. Mayroon silang Councilor’s Studio, Mayor’s Suite, Governor’s Suite, Senator’s Suite, MyKonos Suite at ang Santorini Suite — kasama na rito ang welcome snack, breakfast at Luljetta’s Café, access sa Luljetta’s Garden Suites amenities tulad ng Lap Pool, Doctor Fish, Garden and Lounges, at access sa Loreland Farm Resort.

Pagdating sa events place, mayroon ditong Jardin Del Sol na Al Fresco (open air) ang dating, swak sa mga function tulad ng wedding na “garden-inspired”. Kung intimate at indoor naman ang gusto, mayroon silang Maria Clara Hall at Ibarra Hall.

Puwede rin ang kanilang Café del Mar na hanggang 50 guests ang kasya kapag theater style ang set up ng function. At Jardin del Eden naman na isa ring open air event’s place na mayroong capacity na 50 pax for wedding ceremony.

Matatagpuan ang Luljetta’s Place Garden Suites sa loob mismo ng Loreland Farm Resort, Barangay San Roque, Antipolo City.

Comments are closed.