(Lumabag sa GCQ) FUNERAL PARLOR, RESTOBAR IPINASARA

Joy Belmonte

IPINASARA ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang  isang funeral parlor at isang restobar dahil sa paglabag sa general community quarantine (GCQ) ng lungsod.

Ang inisyuhan ng ‘temporary closure order’  ng QC Business Permits and Licensing Office (BPLO) ay ang Sir John Funeral Services sa Brgy. Culiat matapos magburol sa bahay ng patay na umano’y paglabag sa GCQ guidelines bukod pa sa nadiskubreng ‘expired’ na ang Mayors permit nito.

Gayundin, ipinasara rin ng QC LGU ang Vince Vega Restobar sa Barangay Siena dahil sa paglabag sa minimum health protocols at quarantine guide-lines at nalaman  na paso na rin ang kanilang business permit.

Paalala ng QC government sa mga may-ari ng mga negosyo na sumunod sa Section 14 of City Ordinance No. 2934, S-201 na nagsasaad na babawian ng business permit ang mga negosyong lalabag sa quarantine guidelines at health protocols ng lungsod.

Kasabay nito, binalaan ni QC  Mayor Joy Belmonte na kanilang babawiin ang  business permit ng mga  operator at kumpanya ng  public transporta-tion kapag nahuling lumalabag sa  minimum health protocols.

“It is necessary to reaffirm and reinforce compliance with these minimum health protocols on public transportation, considering the increasing volume of passengers as the economy reopens. In accordance with Section 14 of City Ordinance No. 2934, S-201,the business permit of the offending transportation company or operator may be revoked,” giit ng alkalde. EVELYN GARCIA

Comments are closed.