IPINASARA ni Makati Mayor Abby Binay ang dalawang resto-bar sa Barangay Poblacion matapos mahuling lumalabag sa curfew hour at hinahayaan ang mga kostumer na magdikit-dikit sa isinagawang raid kamakailan.
Ipinag-utos din ni Binay na kanselahin ang permit ng Movida Fashion Food and Club at Royal Club dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 2020-165 na nagtatakda ng guidelines para sa operasyon ng mga establisimiyento habang may pandemya kasama ang kaukulang polisiya para sa bawat lebel ng community quarantine.
Nagbigay din ng babala si Binay sa mga establisimiyento sa lungsod kabilang ang mga parokyano na seryosohin nila ang patakaran ng lungsod kaugnay sa pandemya dahil handang ipataw ang mga kaukulang parusa sa sinumang lalabag.
Nasa 51 katao na magkakaibang lahi ang nadakip sa nasabing operasyon ng Makati police at Public Safety Department noong Biyernes bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagmomonitor upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinakawalan naman ang mga nahuli matapos na maisyuhan ng ordinance violation tickets na may multang tig-P1,000 para sa paglabag sa curfew hour at safety protocols. MARIVIC FERNANDEZ
461334 320374Your home is valueble for me. Thanks!? This internet page is actually a walk-via for all with the data you necessary about this and didn know who to ask. Glimpse right here, and you l definitely uncover it. 656912
547979 123631Hi, ich habe Ihre Webseite bei der Suche nach Fernbus Hamburg im Internet gefunden. Schauen Sie doch mal auf meiner Seite vorbei, ich habe dort viele Testberichte zu den aktuellen Windeleimern geschrieben. 552860