BULACAN- SINITA ng Calumpit police ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang dumaan sa Quarantine check-point sa Mac-Arthur Highway, Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit sa lalawigang ito kamakalawa ng madaling araw, dahil sa walang suot na helmet at face mask at nang hingan ng lisensiya ay lumitaw ang nakasukbit na baril nito.
Base sa report ni Calumpit Municipal Police Station (MPS) Chief Major Manuel M. Clemente, kinilala ang mga naarestong sina Federico Gulferic III y Delos Santos, 28-anyos at Darwin Gulferic y Dela Cruz, 23-anyos at kapwa residente sa nasabing bayan na nakadetine ngayon bunga ng patong-patong na kasong kinakaharap at mahulihan pa ng baril.
Nabatid na dumaan ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa inilatag na Quarantine check-point sa Mac-Arthur Highway at pinahinto ito upang sitahin dahil walang suot na helmet, walang face mask at lumabag sa curfew.
Dahil dito, hinanap ang dokumento ng motorsiklo gayundin ang lisensiya ni Gulferio, ngunit walang maipakita at aksidenteng nakita ng awtoridad ang nakasukbit na baril ng suspek kaya inaresto ito nang wala rin maipakitang papeles sa isang caliber .45 pistol na kargado ng limang bala. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.