LUMAD LEADER,1 PA  LIGTAS SA AMBUS

lumad

SURIGAO DEL SUR – NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang Lumad leader at kasama nito  makaraang barilin sa Barangay San Isidro, Lianga.

Kinilala ni Sr. Insp. Amos Moreno, officer-in-charge Linga Police ang biktimang si Jomar Sabas Bucales, 46-anyos, residente ng Purok 3, Kansilad, Brgy. Ganayon at isa pang residente sa nasabing lugar.

Sa report, nagbibiyahe ang dalawa lulan ng magkahiwalay na motorsiklo sa Brgy. San Isidro nang pagbabarilin ang mga ito makaraang matapat sa isang puno ng Balete.

Gayunman, nagawang iwasan ng tribal leader ang bala at tanging braso lamang niya ang natamaan.

Makaraan ang insidente ay ipinaalam ni Bucales ang kanyang sinapit kay Moreno.

Nabatid na si Bucales ay hayagang tinututulan ang pagkuha sa kanilang mga ka-miyembro para isama sa rally sa Metro Manila. EUNICE C.

Comments are closed.