NORTH COTABATO – NAGPAABOT ng hinanakit ang grupo ng mga Lumad mula Mindanao sa harap security officials ng Malacañang.
Sa isang forum sa Malago Clubhouse sa Malacañang Park, ibinulalas ng mga Lumad ang sinasapit nilang pagmamalabis at karahasan mula umano sa mga komunistang grupo.
Sinabi ni Datu Joel Unad, kinatawan ng Indigenous Peoples (IPs), sa tinagal-tagal nila sa Mindanao, tahimik sana ang kanilang komunidad.
Ayon kay Unad, nang napasok ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) at nagsimula nang guluhin ang kanilang pamayanan, nakatatanggp sila ng pananakot o pagbabanta at pagpaslang sa kanilang mga kasamahan.
Sa nakalipas na ilang taon, inihayag ni Datu Unad na walang mayayaman doon ang pinapatay ng NPA kundi puro nga counselor elders o tribal leaders sa kanilang komunidad. Ito ay dahil patuloy umano silang sumasalungat sa batas at ideolohiya ng CPP-NPA.
Sa katulad umano nilang Indigenous Peoples, itinuturing niyang masahol pa sa terorista ang CPPNPA.
Inihayag ni Datu Unad na sa kanilang bilang, halos 2,000 IP leaders na nila ang umano’y pinapatay ng mga rebeldeng komunista.
Kaya umaasa ang mga Lumad na ngayong narinig na ng security officials ng gobyerno ang kanilang mga hinaing, matitigil na ang pambibiktima sa kanila ng komunistang grupo at maibalik na sa dating tahimik na sitwasyon ang kanilang komunidad. PMRT
Comments are closed.