LUMAGUI BAGONG BIR CHIEF

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kay newly-appointed tax lawyer Romeo Lumagui, Jr. bilang bagong commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos palitan sa isang sorpresang desisyon si 6-month old Revenue Commissioner Lilia Guillermo.

Si Guillermo na dating Associate ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at ngayo’y Finance Secretary Benjamin Diokno ay nagulat din sa pagtanggal sa kanya sa puwesto sa hindi sinabing dahilan.

Si Lumagui na deputy commissioner for operations ni Guillermo ay nagsilbi munang technical assistant ni former BIR Commisdioner Caesar ‘Billy’ Dulay, at naging chief ng Regional Investigation Division sa Manila, Pampanga at East NCR.

Nagsilbi rin si Lumagui bilang Project Management and implementation service chief at head ng overall reforms ng modernization program ng BIR.

Nagbitiw si Lumagui sa puwesto nang magdeklara si PBBM na tatakbo sa pagka-Pangulo para sumama sa kampanya at nang manalo ay itinalaga si Lumagui bilang DepCom ni Guillermo.

Ayon sa source, may sapat namang dahilan ang Pangulo para palitan si Guillermo, at ang tanging hangad nito ay ang mapag-ibayo ang koleksiyon ng buwis.

Si Guillermo umano ang pinagbubuntunan ng sisi sa pagbagsak ng tax collections ma­tapos nitong hindi i-lift ang suspension order ni Commissioner Dulay sa lahat ng audit tax investigations bago ito magbitiw sa puwesto matapos ideklara ng Commission on Elections ang pagkakapanalo ng tandem nina Marcos at Vice-President Sara Duterte-Carpio sa nagdaang halalan.

Hindi man nagbitiw ng anumang salita si Guillermo sa pagkakasibak sa kanya sa puwesto ay halatang dinamdam nito ang pangyayari matapos mag-alsa balutan upang magbigay-daan sa kanyang former depcom na siya ngayong bagong boss sa BIR.

“The BIR sustained P23 billion collection shortfall, raising only a total of P171 billion against the goal of P187 billion for the month of October, according to the statistics. Attibuted the deficits to non-tax cimpliance, as agency continue to suspend the Issuance of Letter of Authority (LOA) to investigate,” pahayag ng mga revenue officials na hindi na nagpabanggit ng kanilang pangalan.

Lumasap din umano ng halos P54 bilyong shortfall ang Large Taxpayers Service (LTS) sa ilalim ng administrasyon ni Guillermo na nangyari sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Kawanihan ng Rentas.

Ang LTS ang siyang kumokolekta ng 60% ng kabuuang tax collection goal ng BIR.

Sa kabila ng tinamong shortfall ng LTS, naka-survive naman ang mga regional at district level na siyang kumokolekta ng 40% ng kabuuang goal ng BIR.

Ilan dito ay ang Makati City, Manila, East NCR, South NCR, Caloocan City, Quezon City, Cebu City, Pampanga, Cagayan De Oro City, CaBaMiRo, LaQueMar at iba pa.

Bumandera naman sa mga district ang Tondo, Sta. Cruz, Novaliches, Bulacan, Caloocan, Pasig, Marikina, QC North, Cubao at South, Paranaque, Pasay, at Alabang.

Sa Lunes ay idaraos ang kauna-unahang flag ceremony sa main office ng BIR sa Diliman, QC na pangungunahan ni Commissioner Lumagui matapos silang masanay sa flag ceremony sa pamamagitan ng Zoom.

(Para sa komento, mag-email sa drerickcba­lane@gmail.com)