LUMAGUI PINARANGALAN NG NTA SA PANGUNGUNA SA GIYERA KONTRA ILLICIT TOBACCO PRODUCTS

PINARANGALAN si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ng National Tobacco Administration (NTA) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) para sa kanyang consistent leadership at programs laban sa illicit tobacco products.

Tinanggap ni Commissioner Lumagui ang kanyang award sa NTA event na idinaos noong na- karaang Agosto 3. Sa naturang event ay tinalakay niya ang pag- papaigting sa government initiatives para puksain ang illicit trade.

“Illicit tobacco products is a scourge of our economy. The BIR will hunt down all illegal traders of tobacco. We must level the playing field so we can attract investors. We have done nationwide raids of illicit tobacco products, and we will continue to do so,” sabi ni Lumagui.

Sa ilalim ng administrasyon ni Lumagui, isinagawa ng BIR ang unang inationwide raid nito sa illicit tobacco products noong Enero 2023. Muling nagsagawa ng nationwide raid ang ahensiya noong nakaraang buwan.

Nagpasalamat si Lumagui at ang buong BIR sa parangal na iginawad ng NTA. Nagsisilbi itong pagkilala sa pagsisikap ng daan-daang revenuers na nakiisa sa nationwide raids laban sa illicit tobacco.