(Lumalaking bilang ng positive dahil sa mass testing) MGA NAKAREKOBER SA COVID-19 NASA 700 NA

TATLUMPU’T SIYAM na recoveries o mga gumaling sa coronavirus diseases (COVID-19) ang naitala ng Department of Health (DOH) kaya halos sumampa na sa halos 700 na pasyente ang nabigyan ng ikalawang buhay.

Sa case bulletin ng DOH as of 4PM kahapon, kabuuang 693 na ang tuluyang napagaling ng mga dalubhasa mula sa naturang sakit.

Nakapagtala naman ang DOH ng karagdagang 111 confirmed coronavirus disease bansa sa nakalipas na magdamag at umakyat na sa 6,710 ang naitatala nilang kaso nito.

Binigyan ang mga itto ng pagkakakilanlan o ID # na PH6460- PH6710.

Kaugnay nito, nakapagtala rin naman ang DOH ng siyam na pasyente,  na binawian ng buhay dahil sa sakit, kaya’t umakyat na sa kabuuang 446 ang COVID deaths sa bansa.

Samantala, patuloy namang nananawagan ang DOH sa publiko na maging maingat, patuloy na manatili sa bahay, magsuot ng mask, at regular na maghugas na kamay upang makaiwas na mahawahan ng virus.` ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.