KUNG karamihan sa ating mga kababayan ay panay ang angal at batikos sa ating gobyerno sa kanilang pamamahala laban sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19, magpasalamat tayo at hindi tayo tulad sa bansang India.
Ang India ay dumaranas sa kasalukuyan ng napakataas na bilang ng kaso ng COVID-19. Umaabot sa 150,000 ang tinatamaan ng nasabing sakit kada araw sa loob ng isang linggo. Noong Lunes ay pumalo sa 273,810 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa India. Maaaring may magsabi na napakalaki ng bansang India kung ating ihahambing sa ating bansa. Subalit ang konsentrasyon ng COVID-19 ay nasa mga pangunahing lungsod kung saan mataas ang bilang ng populasyon.
Ang bilang ng mga namamatay sa kanila ay umaabot na rin sa mahigit 2,000 kada araw. Wow! Ayon sa mga ulat, ang mga crematorium sa kanila ay hindi na kayang tumanggap ng mga bangkay upang sunugin. Sa mga ibang lugar sa kanila ay ang mga miyembro na lamang ng pamilya ang nagsusunog ng labi ng kanilang mga minamahal sa buhay o kaya naman ay naghuhukay na lamang sila upang ilibing ang mga ito. Nakalulungkot.
Kung maraml sa atin ay umaangal sa kakulangan ng mga hospital bed, mas malala sa India. Ultimong mga ambulansiya ay ginagamit nang hospital bed. Ang mga lobby ng elevator kada palapag ng gusali ay nilagyan na ng mga kama upang tumanggap ng mga naghihingalong pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Ang India ay kilala bilang gumagawa at nag-e-export ng murang gamot sa ibang bansa. May sarili rin silang ginawang bakuna laban sa COVID-19. Ito ay ang Covaxin na gawa ng Baharat Biotech. Subalit mukhang hindi sapat ang bilang ng nagagawa nila upang supilin ang tumataas na bilang ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19.
Ang nasabing pandemya ay nasa ikalawang sigwada o second wave. May mga ibang bansa ang nakapaghanda rito o kaya naman ay natuto na noong nakaraang taon na maging mapagmasid at huwag maging kampante na pawala na ang COVID-19. Kaya naman patuloy pa rin ang mga gobyerno at kanilang mga mamamayan na sumusunod sa mga alituntunin ng social distancing at iba pang health and safety protocols upang hindi mahawaan ng nasabing virus. Kasama na rito ang tinatawag na mass vaccination sa kanilang mga mamamayan.
Tulad ng India, ang Filipinas ay isa sa mga bansa na hindi nakinig at tumupad dito. Kaya naman kinailangan muli ng ating pamahalaan na magdeklara ng ECQ sa NCR at mga karatig lalawigan ng Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan. Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Simple lang po kasi ang solusyon. Umiwas sa mga matataong lugar upang hindi makapitan ng nasabing sakit. Magsuot ng face mask, face shield at regular na maghugas ng kamay o magsaboy ng alcohol sa kamay upang hindi manatili ang virus sa kamay.
Tinalakay ko lamang ang nangyayari sa bansang India upang ating mapagtanto at magpasalamat na bagaman nahihirapan tayo sa kasalukuyan sa pagtaas ng bilang ng kaso at namamatay dulot ng COVID-19, magpasalamat tayo at hindi tayo tulad ng nararanasan ng mga mga mamayan sa India.
Masakit din sa akin dahil may mga malalapit at kilala akong kaibigan at personalidad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Hindi biro ang mawalan ng minamahal sa buhay sa kasalukuyang kondisyon ng ating bayan. Kaya sa akin ay magkusa tayo upang hindi mahawaan ng sakit na ito. Manatili sa bahay.
Huwag pumunta sa matataong lugar. Siguro nga mas mainam na ipasok natin sa ating mga isipan na ang bawat isa sa atin ang maaaring nagdadala ng sakit na ito. Sa ganitong paraan ay mas magiging mapagmasid tayo na hindi tamaan ng COVID-19.
548951 901034Yay google is my king helped me to uncover this excellent web web site ! . 481688
83322 295447TeenVogue? Seeking for fashion advice, celebrity buzz or beauty trends? Find it all in Teen Vogue 291541
931639 285510Great post will probably be linking this on several websites of mine maintain up the excellent function. 984866