MALABONG makita ang total lunar eclipse ngayong Sabado dahil posibleng muling lalakas ang hanging habagat dahil sa bagyong Jongdari.
Ayon sa Pagasa, nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo ngunit hinihila nito ang habagat na magpapaulan.
Inaasahan ang eclipse dakong 1:13 ng madaling araw sa Sabado at magtatapos ganap na 7:30 ng umaga.
Mas ligtas panoorin ang lunar eclipse kaysa solar eclipse dahil repleksiyon lamang ng liwanag sa buwan ang makikita at hindi ang direktang liwanag na nakasisira ng mata.
Asahan na maulan ang weekend. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.