Makalipas mag-ikot at iparating ang magandang plataporna na magiging malaking tulong sa bansa, umakyat sa ikatlong posisyon sa huling survey ng pilipinas.net ang Lunas Party-list.
“Nais nating makatulong ng malaki sa bansa lalo pa ngayon na tayo ay nasa pandemya pa din kahit gumaan na ng bahagya ang sitwasyon sa banta ng COVID-19. Pabibilisin natin ang LUNAS para sa ikabubuti ng ating mga kapwa Pilipino,” wika ni Brian Yamsuan ng Lunas Partylist.
Kahit bago pa lamang na tumatakbo ang Lunas Party-list, mabilis itong nagustuhan ng mamamayan dahil sa malinaw na nais nito para sa bansa.
“Ang inyong pagtititwala ay susuklian natin ng walang pagod na serbisyo publiko,” pagwawakas ni Yamsuan, 1st nominee ng LUNAS Party-list.