LUNAS SA HANGOVER

HANGOVER-7

KATATAPOS lang ng Pasko pero hindi pa rin diyan nagtatapos ang ating selebrasyon dahil inaabangan naman natin ang pagpapalit ng taon. Kasabay rin ng iba’t ibang kasiyahan ay nariyan ang inuman. At dahil sa sobrang alak at pagkahilo ikaw ay nagkakaroon ng tinatawag na hangover. Hindi nga naman iyan maiiwasan.

Ang mga sintomas ng hangover ay ang headache o pagsakit ng ulo, pagiging antukin, concentration problems, panunuyo ng lalamunan, pagkahilo, pagkapagod, gastrointestinal complaints, pagpapawis, pagduruwal, hyper-excitabi­lity at pagkabalisa.

At dahil nga hindi nawawala ang inuman sa kahit na anong kasiyahan, narito ang ilan sa mga kailangang bigyang-pansin nang maiwasan ang hango-ver:

MAGPAHINGA O MATULOG

 Pahinga ang magiging bestfriend mo sa tuwing ikaw ay may hangover. Ang sapat na pahinga o pagtulog ang kinakailangan ng katawan para maka-bawi sa buong gabing pagpupuyat at pag-iinom ng alak.

Mas mabuting magpahinga nang makabawi ang katawan at maiwasan ang pagkakaroon ng hangover.

UMINOM NG MARAMING TUBIG

Napakaimportante rin ng tubig upang maiwasan o malunasan ang hang­over.

Pagkatapos uminom at bago matulog ay uminom ng maraming tubig para hindi matuyuan o ma-dehydrate.

Bukod din sa tubig, mas makabubuti rin ang pag-inom ng fruit o vegetable juice. Gayundin ang electrolyte-rich fluids gaya ng coconut water at bouillon soup nang maibalik ang salt at potas­sium na nawala sa katawan.

IWASAN ANG KAPE

Marami sa atin na kapag may hangover ay umiinom ng kape. Dahil nga kasabay ng pag-inom ang pagpupuyat, kinabukasan ay nakadarama tayo ng antok. At para naman maibsan ang nadaramang antok, maya’t maya tayong umiinom ng kape.

Okay lang naman ang uminom ng kape pero dapat ito ay mababa sa caffeine. Kapag ikaw ay napasobra sa caffeine, dehydration ang masamang dulot nito.

Kumain ng pagkaing masustansiya sa protina at mineral.

MALIGO

Isa ito sa hindi mo dapat makaligtaan. Ang pagligo ay hindi lamang nakalilinis ng katawan kundi nagbibigay rin ito ng ginhawa sa kabuuan.

Malamig o mainit na tubig ay mainam namang gamitin. Basta’t ang importante ay makaligo ka nang mawala ang lulugo-lugong pakiramdam.

Ang ilan sa atin ay tinatamad nga namang maligo lalo na kung mabigat ang katawan dahil sa pag-inom ng alak kinagabihan. Gayunpaman, importan-teng maligo tayo nang mahimasmasan ang pakiramdam.

SUBUKANG MAG-EHERSISYO

Pagkatapos mong uminom ng tubig at maligo, mas mainam na mag-ehersisyo gaya ng pagbibisikleta, swimming, o kahit na anong makapagpapawis sa iyo.

Ito ay nakagagaan ng katawan at utak.

UMIWAS SA PAIN KILLERS

May mga pain killer na may side effect. Mararamdaman ito lalo na kapag nakainom ka ng alak. Mayroon ding pain killer na nagpapanipis ng dugo, nakapagdudulot ng pagkasira ng atay at nagiging sanhi ng stomach bleeding. Kaya maging maingat sa pag-inom ng mga pain killer. O mas maganda ay huwag nang uminom ng pain killer.

Sadyang hindi nga naman maiiwasan ang pag-inom ng alak lalo na ngayong holiday. Kasama na nga naman ang pag-i­nom sa paraan ng marami sa atin upang sumaya at ma-enjoy ang naturang pagkakataon. Gayunpaman, sabihin mang nakaugalian na natin ang uminom ng mga inu­ming nakalalasing, maging maingat at responsable pa rin tayo.

Uminom lang ng tama at kayang dalhin ng katawan. (photos mula sa wellinsiders.com at 8fit.com, cnn.com)

Comments are closed.