Jayzl V. Nebre
“Namamasyal pa sa Luneta na walang pera.”
Saan pwedeng mag-date ang magsyota kahit kapos sa badyet? Tama kayo. Sa Luneta. Pero saan ang Luneta? Mga batang 80s na lang yata ang nakaaalam nito, dahil ito ang paborito nilang tambayan noong kanilang kabataan.
Noong bata pa kami ng kapatid ko, natatandaan kong madalas kaming mamasyal sa Luneta tuwing weekends. Hindi pa uso noon ang Star City, pero may bump car na dito at doon kami unang nakasakay sa bump car.
Nang magkaroon ako ng mga pamangkin, dinadala rin naming sila sa Luneta tuwing weekend, lalo na kung maliit lang kapos kami sa badyet. Meron kasing tinatawag naming dinosaur park sa loob ng Luneta na P5 lang ang entrance, pwede ka nang tumambay maghapon. Nagbabaon na kami ang pagkain at dito naming inuubos ang maghapon matapos kaming magsimba sa Cathedral o kahit saan mang simbahang malapit lang.
Rizal Park. Luneta Park. Mula sa salitang French na Lunette na ang ibig sabihin ay cresent-shaped fort. Una itong tinawag na La Calzada na dating tambayan ng mga mayayaman sa Maynila habang nagpapa-cute sa mga nakukursunadahan nila. Eventuall, tinawag itong Bagumbayan. Ginamit din ito ng mga Kastila na execution ground sa mga ereje at filibustero o yung mga rebelde at aktibista. Dito binaril si Dr. Jose Rizal noong December 30, 1896.
Bagumbayan ito noong panahon ng Kastila. Sa panahon ng mga Americano, taong 1913, ginawa ang monumento ni Dr. Jose Rizal at pinangalanan itong Rizal Park, at noong 1967, sa isa ng Proclamation No. 299 na pinirmahan ni President Ferdinand Marcos, tinawag naman itong Luneta Park. Sa madaling sabi, ang Luneta Park at Rizal Park ay iisa. Ito ang pinakamalaking recreational park sa buong Asia.
Is it Rizal Park or Luneta Park?
Isang historical urban ang Rizal Park o Luneta Park o basta Luneta na lang – na makikita sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila. Walking distance lamang ito sa matandang walled city ng Intramuros, na paboritong pasyalan ng maraming pamilya kapag araw ng Linggo at holidays.
By the way, may pangalan ang monumento ni Rizal, Motto Stella – Latin word na ang ibig sabihin ay guiding star.
Itinayo ito bilang pag-alala sa kabayanihan ni José Rizal. Kinikilala ng mga Americano ang mga adbokasiya ni Rizal para sa mga reporma sa Pilipinas sa kamay ng pananakop ng Kastila. Ito ang naging sanhi ng maaga niyang kamatayan sa edad lamang na 36.
Sa ngayon, ang Luneta ay pinamamahalaan ng National Parks Development Committee (NPDC) isa sa mga ahensyang nasa pamumuno ng Department of Tourism (DOT).
Sa kasalukuyan, may 3600 plant species at 130 tree species na nakatanim sa Rizal Park. JVN