DALAWANG beses sa isang linggo ay nagtutungo si Juliana sa Silang, Cavite para asikasuhin ang negosyo kung saan siya ay co-manager.
Ito ay ang dalawang ektaryang lupain na mayroong European restaurant, taniman ng kape at pinya, events venue, at limang cottage bilang bed and breakfast.
Sa ibang araw naman ay matatagpuan si Juliana sa isang unibersidad sa Metro Manila kung saan nasa third year pa lamang siya sa kursong Business Management. Hinahawakan din niya ang pag-aasikaso sa mga kostumer na nag-i-inquire, tumutulong sa kusina at sa pagsisilbi sa mga kumakaing guest, at nag-mamanage din siya ng social media space at website ng negosyo. Nineteen years old lang si Juliana, pero kitang-kita namang malayo ang mararating niya dahil sa kanyang galing sa paghawak ng kanyang oras, mahusay na pag-ganap sa kanyang mga tungkulin, at pamumuno sa isang malaking negosyo.
Chez 1967 ang pangalan ng malaking property na ito sa Silang. Ayon kay Juliana, pinalitan nila ang lumang pangalan ng establisimiyento (Chateau Hestia) upang magbigay pugay sa kanyang yumaong ina na si Atty. Maria Flora Falcon, na sumakabilang-buhay nito lamang isang taon.
Nagsagawa sila ng renovation at inilunsad ang negosyo sa ilalim ng bagong kompanya nito lamang Disyembre 2022.
Ang Chez 1967 ay isang European restaurant, events place, at bed and breakfast. Bukod sa napakasarap na mga pagkain, kilala rin ang lugar sa mala-gubat na paligid nito (malakas ang huni ng mga kuliglig at madalas makakita ng mga ibong di-pangkaraniwan), accommodation na kung tawagin ay “rustic”, Instagrammable na indoor at outdoor event spaces, at mga antigong kagamitan na dinala pa rito mula sa Austria, kung saan nagmula ang pamilya ni Juliana.
Bukas ang Chez 1967 sa mga kolaborasyon at mga ideya mula sa mga interesadong business partners. Ang kabuuang layunin ay makabuo ng isang komunidad na magkakalapit ang mga miyembro, gaya ng isang tunay na pamilya. Ang pet-friendly restaurant na ito ay bukas mula Miyerkules hanggang Lunes. Maaaring bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon: www.chez1967.com