AKLAN-ISANG construction worker ang namatay habang tatlong iba pa ang sugatan nang matabunan ng gumuhong lupa sa bayan ng Malay.
Naganap ang trahedya habang ginagawa ng apat na biktima ang isang kalsada sa lugar dakong alas-3 ng hapon nitong Sabado nang biglang gumuho ang lupa sa Sitio Putol, Brgy. Caticlan.
Kinilala ang nasawi na si Modesto Appellido, 44-anyos, residente ng Bingawan, Iloilo at sugatan naman sina Jade Daryl Castillo, 27-anyos; Jay Castillo, 22-anyos at Darius Castillo, 48-anyos.
Sa imbestigasyon ng Malay Police, natuklasan na habang ginagamit ang isang backhoe upang maghukay sa mataas na bahagi ng lugar nang biglang gumuho ang malambot na bahagi ng lupa.
Hindi nasama sa pagguho ang backhoe ngunit natabunan naman ng lupa sa apat na trabahador.
Lumambot umano ang lupa dahil sa pag-ulan bunsod ng Bagyong Bising noong nakaraang araw. EUNICE CELARIO
573351 268477Effectively worded post will probably be sharing this with my readers this evening 789550
897764 281185Some genuinely nice stuff on this internet internet site , I it. 778992
241692 663570I just want to tell you that Im quite new to weblog and honestly liked this internet web site. More than likely Im planning to bookmark your blog post . You undoubtedly come with exceptional articles and reviews. Bless you for sharing your internet internet site. 843307