LUPA IPAMIGAY NA – DUTERTE

DAR

AGAD nang ipamahagi ang mga lupa ng gobyerno sa mga bene­pisyaryo ng agrarian reform.

Ito ang atas ni Pangulong Rodrigo­Duterte sa Department of Agrarian Reform (DAR) kabilang  ang mga lupa na  nasa bundok.

Sa kanyang talumpati sa Balay Kauswagan sa Sagay City, Negros Occidental sa ginanap na ceremonial distribution ng  3,423 Certificates of Land Ownership Award (CLOAs)  sa mga kinatawan  ng  2,495 beneficiaries, iginiit ng  Pangulo na nais niyang sa loob ng natitirang tatlong taon ng kanyang termino ay maipamahagi na ang mga lupa sa mga benepisyaryo.

“I told [DAR Secretary John] Castriciones to give it to the people, including land located in the mountains… CARP [Comprehensive Agrarian Re-form Program], it is the law and I will implement the law,” dagdag ng ­Pangulo.

Para sa  Pangulo, mabagal ang distribusyon ng mga lupa na nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil may mga tao na ayaw ibigay ang kanilang mga lupa.

Nangako naman  ang Pangulo sa  agrarian reform beneficiaries na tumanggap ng kanilang Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na magkakaroon ang mga ito ng fertilizer at iba pang ayuda.

Kasama sa ipa­mamahagi ng  DAR ang 300,000 hanggang 400,000 na bahagi ng lupa ng gobyerno sa buong bansa.             NV

Comments are closed.