LUPA NG PINAS PUWEDENG IBENTA SA DAYUHAN

SA  gitna ng agam agam ng ilang kongresista na posible umanong makompromiso ang soberanya at mapunta na ang lupa ng mga Pilipino sa mga dayuhan sakaling maaprubahan ang probisyon na “100 % foreign land ownership” sa isinusulong ng Kamara na Charter Change ( Cha-cha) sa pamamagitan ng People’s Initiative, lumitaw ang isang federalism advocate na pabor sa naturang panukala at iginiit na maaari namang ibenta ang mga lupain ng Pilipinas sa mga taga ibang bansa basta lamang maglagay ng “legislative safeguards” para malimitahan ang pagbili ng mga lupain sa bansa.

Ito ang sinabi sa isang forum ng federalism advocate na si Orion Perez Dumdum, Principal Co-Founder ng Correct Movement na isang Information Technology Expert at overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore, na naganap sa Kamuning Bakery sa Quezon City.

Nagpahayag din siya ng pagsuporta sa People’s Initiative na ikinakampanya ng Kamara. Ito ay sa gitna ng pagbatikos at pagtutol ng mga senador sa nagaganap na kampanya at inakusahan ang Kamara na may kinalaman sa umiiral na paglagda na tinagurian nilang “politician’s initiative” at hindi people’s initiative.Bagamat pinagdududahan ng mga senador na ang kamara ang nasa likod ng naturang inisyatibo mariing itinanggi ng liderato ng mababang kapulungan na may kinalaman sila rito.

“Why not create more jobs but letting the foreigners come in. Running businesses is different from owning land. Even if we allow foreign ownership of lands to foreigners we can always safeguard through legislation that will prevent ownership of lands by undesirable people. We can also set limits how their land acquisitions can be,” sabi ni Dumdum.

Sa kasalukuyan, nasa batas na hindi pinapayagan ang mga banyaga na magmay ari ng mga lupa sa Pilipinas, subalit maaari silang magmay ari ng mga yunit sa condominium na nakasaad sa Philippine Condominium Act basta 60 porsiyento ng gusali ay pagmamay ari ng Pilipino. Ang dahilan sa pagbabawal na magmay ari ng ang mga dayuhan o makabili ng mga lupa sa Pilipinas ay nag-ugat sa limitasyon na nakasaad sa Saligang Batas dahil aniya sa “socioeconomic concerns” at “national security”.

Ang panukalang magmay ari ng 100 porsiyento ng lupain ang mga banyaga sa Pilipinas ay ilan lamang sa isinusulong na economic provisions na nais ng Kamara na maamyendahan sa Saligang Batas upang makahikayat umano ng mas maraming banyagang mamumuhunan na maaaring magbigay ng hanapbuhay at magpalago ng ekonomiya ng bansa.

Iginiit ni Dumdum na nagtatrabaho sa Singapore bilang OFW na ganito ang ginawa ng naturang bansa kung kaya napasigla ang ekonomiya nito bago naging isang mayamang bansa. “May abilidad tayo magsabi na ayaw natin yan. May ibang bansa na pumapayag sa foreign investors to own lands pero kina-categorize nila.Sa Malaysia mayroon silang reserve for Malays and indigenous people only.
MA. LUISA GARCIA