LUPIT NI TISOY: 13 NASAWI, 400K NAAPEKTUHAN

Bagyong tisoy

UMAKYAT sa 13 katao ang bilang ng naitalang nasawi sa pananalasa ng Typhoon Tisoy habang umabot naman sa may 400,000 katao ang direktang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo sa Filipinas.

May lima ang iniulat na nasawi sa Bicol region, ayon sa Police Regional Office 5.

Sa nasabing bilang, isa ang nakoryente sa bayan ng Libmanan at dalawa ang nalunod sa bayan ng Pili at Goa sa Camarines Sur.

Isa ang nalunod sa ba­yan ng  Bulan, Sorsogon at isa pa ang sinasabing namanata sa Sorsogon City.

Habang sa  Region 4-B  ay may lima rin na naita­lang nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, apat dito ay nagmula sa Oriental Mindoro habang isa sa Marinduque.

Tatlo sa kanila ay nabagsakan ng puno habang ang dalawang iba pa ay inatake sa puso.

Sina Ildefonso Reyes delos Santos, Jessie Santos, at Bernabe Minay Lundag ay nabagsakan ng puno habang si Efren De Guzman-Cueto at  Domindor Motol Lazo ay inatake sa puso.

Isa rin ang nasawi sa Ormoc City matapos mabagsakan ng puno, base sa ulat ng pulisya.

Sa Quezon, isa ang nasawi nang tamaan ito ng kidlat habang na­ngingisda sa Polilio Island, habang may isang nasawi nang tamaan ng bumagsak na bakod.

Ayon sa National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa 458,020 na katao ang inilikas at dinala sa mga eva­cuation center, habang mayroon pang 37,388 na katao na nakituloy sa kaanak at kaibigan.

Samantala, nilinaw ni NDRRMC, Spokesman Mark Timbal, kasaluku­yan pa nilang bineberipika ang mga naglabasang ulat mula sa mga lokal na pamahalaan kaya wala pa silang inilalabas na official death toll.

Kailangan aniyang matiyak ang dahilan ng pagkasawi bago nila ito isapubliko dahil ang mga nasawi sa bagyo ay entitled sa financial assistance mula sa pamahalaan. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *