NAKALUSOT na sa ikalawang pagbasa ang resolusyon na layong gamitin ang pondo sa rice subsidy na pambili ng palay ng mga magsasaka.
Sa ilalim ng House Joint Resolution 22, pinapayagan ang gobyerno na gamitin ang natitirang P6.97-billion na rice subsidy fund sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong 2019 para ipambili ng palay mula sa mga magsasaka.
Ang bigas naman mula sa biniling palay sa local farmers ang ipamamahagi sa mga benepisyaryo sa halip na cash.
Kapag tuluyang naipasa ng Kongreso, ililipat sa National Food Authority (NFA) ang nabanggit na pondo na kasalukuyang nakapaloob sa budget ng Department of Social Welfare and Development.
Gagamitin ng gobyerno ang pondo para bilhin sa halagang P19 kada kilo ang palay ng local farmers.
Nauna nang inaprubahan ng Senado ang sariling bersiyon nito ng joint resolution. CONDE BATAC
Comments are closed.