(Lusot na sa Kamara) P1-M CASH GIFT SA CENTENARIANS

cash gift

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na nagtataas sa cash gift para sa Filipino centenarians na makaaabot sa 101 taong gulang sa P1 million mula P100,000.

Layon ng House Bill 7535, na inapru­ bahan sa botong 257, na amyendahan ang Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na nagbibigay sa lahat ng Pilipino na na­ kaabot sa 100 taon at pataas ng P100,000 cash gift.

Napag-alaman na may 662 Filipino centenarians sa ban­ sa.

Nakapaloob din sa panukala ang pag­ kakaloob ng P25,000 sa mga Pilipino na nakaabot sa edad na 80 at 85 (octogenari­ ans), at 90 at 95 (no­ nagenarians).

Ang mga recipient ng cash gift ay tatanggap ng letter of felici­tation mula sa presi­ dente ng Pilipinas.

Ang National Commission of Se­ nior Citizens ang aatasang magpatupad ng panukala kapag naging batas.