APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang naglalayong mailibre sa buwis ang mga reward, cash gift o incentives at mga kahalintulad na matatanggap ng nanalong national athletes at coaches sa international sports competitions.
Sa botong 205 na sang-ayon at wala namang pagtutol ay napagtibay na sa plenaryo ang House Bill 9990 o ang panukalang “Hidilyn Diaz Act”.
Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, ililibre sa pagbabayad ng donor’s tax at iba pang taxes, fees at charges ang lahat ng uri ng cash gifts na matatanggap ng national athletes at coaches na mananalo ng gold, silver at bronze medal mula sa international sports competition.
Sakop nito ang Olympics, Southeast Asian Games, Asian Games, Youth Olympic Games, Paralympic games at iba pang international sports competition.
Isinusulong na gawing retroactive ang tax exemption ng mga nanalong atleta mula January 2021 hanggang sa ginanap na 2020 Tokyo Olympics.
Pinaglalatag din ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ng safety measures upang matiyak na naibigay nang buo ang cash incentives sa nanalong manlalaro. CONDE BATAC
770138 919257You can surely see your enthusiasm in the function you write. The world hopes for far more passionate writers like you who arent afraid to say how they believe. Always go after your heart. 193377
228624 867895Well written articles like yours renews my faith in todays writers. Youve written information I can lastly agree on and use. Thank you for sharing. 954067
941402 899827Thank you for every other informative site. Where else may just I am getting that type of information written in such a perfect method? 453807