(Luzon grid maaaring makaranas ng ‘Yellow Alert’ sa Abril, Mayo) MAGTIPID SA KORYENTE

MAAARING makaranas ang Luzon power grid ng ‘Yellow Alert’ sa mga darating na buwan dahil sa epekto ng El Niño sa  hydroelectric power plants, ayon sa Department of Energy (DOE).

“Based on the latest DOE simulations, with hydroelectric power plants running below capacity level due to the El Niño phenomenon, the Luzon grid might experience Yellow Alert in April and May while the Visayas and Mindanao grids will have normal reserve level during the second quarter of the year,” pahayag ng DOE sa isang tatement nitong Linggo.

Dahil dito, hinikayat ng ahensiya ang publiko na magtipid sa koryente habang naghahanda ang bansa sa  dry season.

Idinagdag ng DOE na patuloy nitong binabantayan ang power situation sa bansa upang matiyak ang energy security,  lalo na sa susunod na tatlong buwan kung kailan mararamdaman ang nakapapasong temperatura.

Pinaalalahanan din ng DOE ang power generation companies na sumunod sa  DOE-approved operation and maintenance program upang matiyak na makakamit ang target operational dates.

Ayon sa PAGASA, nagsimula na ang dry season sa bansa noong Biyernes, March 22.