LYCEUM SALO SA LIDERATO

Mga laro bukas:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – EAC vs Letran (Men)
12 noon – EAC vs Letran (Women)
2 p.m. – Benilde vs Perpetual (Women)
4:30 p.m. – Benilde vs Perpetual (Men)

NAIPUWERSA ng Lyceum of the Philippines University ang three-way sa liderato kasunod ng 22-25, 25-17, 25-22, 25-17 panalo kontra Jose Rizal University sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.

Nagbuhos si Joan Doguna ng 19 points, kabilang ang tatlong service aces, kumana si Janeth Tulang ng 6 blocks para sa 17-point outing at nag-ambag si Johna Dolorito ng 12 points para sa Lady Pirates.

Nahila ang kanilang perfect run sa tatlong laro, sumalo ang LPU sa defending champion College of Saint Benilde at University of Perpetual Help System Dalta sa ibabaw ng standings.

Samantala, tumabla ang Mapua sa Arellano University sa 2-1 kasunod ng 24-26, 25-21, 27-25, 21-25, 15-12 panalo kontra inaalat na San Sebastian.

Nanguna si Hannah de Guzman para sa Lady Cardinals na may 20 points, tumipa si Roxie dela Cruz ng 18 points, habang nagtala si Nicole Ong ng 5 blocks para sa 16-point effort.

Nagposte si KJ Dionisio ng 26 points, 6 receptions at 5 digs, nagdagdag si Amaka Tan ng 15 points, kabilang ang 5 blocks, habang nagpakawala si Kath Santos ng 2 service aces para sa 14-point outing para sa Lady Stags.

Nanguna si Mary May Ruiz para sa Lady Bombers na may 12 points habang nag-ambag si Sydney Niegos ng 9 points, kabilang ang 3 blocks.

Nahulog ang JRU at San Sebastian sa 0-3 katabla ang San Beda sa ilalim ng 10-team field.