Naapakan ni Enoch Valdez ng LPU si AU chief’s John Villarente sa NCAA mens basketball sa Fil Oil, SAN Juan. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
9:30 p.m. – Perpetual vs JRU
3 p.m. – SSC-R vs Benilde
HUMABOL ang Lyceum of the Philippines University mula sa 24-point deficit upang pataubin ang Arellano University at manatiling walang talo, habang ipinalasap ng San Beda sa Letran ang ika-4 na sunod na kabiguan nito sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nahila ng Pirates ang kanilang winning streak sa lima sa 89-77 overtime victory kontra Chiefs.
Naiposte ng Red Lions ang kanilang unang back-toback wins sa season, habang dinagdagan ang paghihirap ng Knights sa 68-63 panalo sa mainit na rivalry game.
Naitala ni Enoch Valdez ang kanyang unang doubledouble outing sa season para sa LPU na may 26 points at 14 rebounds na sinamahan ng 4 steals habang nagdagdag si Mclaude Guadaña ng 20 points, kabilang ang isang triple sa huling 15 segundo ng regulation na naghatid sa laro sa overtime, at 5 boards.
Umiskor si JM Bravo, scoreless sa first half, ng back-to-back baskets sa overtime bago ipinasok ni Greg Cunanan ang isang layup na nagpalobo sa kalamangan ng Pirates sa 85-75, may 1:48 ang nalalabi.
Masaklap ang pagkatalo ng Arellano, na umabante sa 55-31 sa kaagahan ng third sa corner triple ni Danielle Mallari subalit hindi ito naipagpatuloy hanggang sa pagtatapos ng regulation.
Umangat ang San Beda sa 3-1 upang makasalo ang Jose Rizal University sa second place.
Tumipa sina Jacob Cortez at Yukien Andrada ng tig14 points para pangunahan ang Red Lions.
Iskor:
Unang laro:
LPU (89) – Valdez 26, Guadaña 20, Bravo 14, Cunanan 10, Omandac 8, Peñafiel 5, Villegas 3, Umali 2, Montaño 1, Barba 0, Versoza 0, Aviles 0.
Arellano (77) – Capulong 13, Mallari 11, Dayrit 10, Sunga 9, Talampas 8, Ongotan 7, Valencia 7, Yanes 6, Villarente 4, Geronimo 2, Abastillas 0, Antonio 0.
QS: 15-21, 29-48, 49- 57, 75-75, 89-77
Ikalawang laro:
San Beda (68) – Andrada 14, Cortez 14, Cuntapay 10, Visser 7, Puno 6, Alfaro 5, Payosing 5, Gallego 3, Jopia 2, Gonzales 2, Tagle 0.
Letran (63) – Reyson 22, Cuajao 13, Garupit 11, Ariar 6, Monje 4, Santos 3, Javillonar 2, Guarino 2, Go 0, Fajardo 0, Bataller 0, Jumaoas 0.
QS: 13-13, 26-32, 45- 46, 68-63.