M-LEAGUE LALARGA NA

M-LEAGUE

Mga laro ngayon:

(Caloocan Sports Complex)

10 a.m. — Parañaque vs. Pateros

12 nn — Opening ­ceremony

1:30 p.m. — Caloocan vs.Valenzuela

3 p.m. — Manila vs. Marikina

ASAHAN ang umaatikabong bakbakan sa paglarga ng Metro League Open na handog ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Basketball Association (PBA) ngayon sa Caloocan City Sports Complex.

Tatlong laro at isang makulay na opening ceremony na tatampukan ng traditional parade ng mga koponan, kasama ang kani-kanilang muses, ang magbubukas sa prestihiyosong torneo na da­ting kilala bilang Metro Basketball Tournament (MBT).

Inimbitahan sina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, MMDA chairman Danny Lim at PBA commissioner Willie Marcial sa opening ceremony, kasama sina MMDA general manager Jojo Garcia, MMDA Chief of Staff Michael Salalima, at mga opisyal ng M-League at organizers, sa pangunguna nina tournament director Bonnie Tan, finance officer Waiyip Chong, deputy tournament director Fidel  Mangonon III at Commissioner Glen Capacio.

Ang opening day games ay sa pagitan ng Parañaque at Pateros sa alas-10 ng umaga, Caloocan vs Valenzuela sa ala-1:30 ng hapon at Manila kontra Marikina sa alas-3 ng hapon.

May kabuuang 10  lungsod na hinati sa North at South Divisions ang sasabak sa one-and-a-half  month-long tournament.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

North —  Caloocan, Manila,  Marikina, Que­zon City,  Valenzuela.

South — Las Piñas,  Parañaque, Pateros, San Juan, Taguig.

Magpapainit sa kumpetisyon ang presensiya ng anim na ex-PBA players at siyam na PBA D-League veterans sa lineups ng mga kalahok na koponan.

Ang mga dating PBA stars ay kinabibila­ngan nina Joseph Yeo ng Manila, John Ferriols ng Taguig, MC Caceres at Philip Butel ng Marikina, Ariel Capus ng Pateros at Arnold Gamboa ng Valenzuela.

Kabilang naman sa PBA D-League veterans sina Kenneth Acibar (Manila), Kojak Melegrito (Quezon City),  Reneford Ruaya (Valenzuela), John Tayongtong (Valenzuela) at Gwayne Capacio (Parañaque).

Comments are closed.