SA KASALUKUYANG kalagayan ng ating bansa patungkol sa usapin ng laban kontra COVID-19, mukhang matatagalan pa bago muling bumalik ang mga bagay sa normal na takbo nito. Isa sa maituturing na pinakaepektibong paraan ng pag-iwas sa virus ay ang pamamalagi sa loob ng tahanan at ang magpatuloy sa pag-aaral o pagtatrabaho mula rito hanggang sa makamit natin ang herd immunity.
Sa ganitong panahon at sitwasyon pumapasok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na serbisyong telekomunikasyon at koneksiyon ng internet.
Sa aking personal na karanasan, lubhang mahalaga ang pagkakaroon ng maaasahang serbisyo ng telekomunikasyon at mabilis na koneksiyon ng internet upang makasama sa mga online na meeting, sa pagtanggap ng mga panayam na ginagawa online, at maging sa pagsasaliksik at pagbabasa ng mga balita.
Samakatuwid, isang inspirasyon ang makita na sa kabila ng pananalasa ng COVID-19 sa ating ekonomiya, ang Radius Telecoms, Inc, (Radius), isang subsidiary ng Meralco, ay patuloy na ginagampanan ang mahalagang papel nito sa muling pagbangon ng bansa.
Kasama sa mga inaalok na serbisyo ng Radius sa mga malalaking kompanya at maliliit na negosyo ang internet, data, at managed services. Bilang bahagi ng plano at layunin nitong matulungan ang bansa sa pagkamit ng maaasahang koneksiyon ng internet, nagsimula na ito sa paglulunsad ng RED Fiber Internet sa piling mga condominium at village sa Metro Manila, CALABARZON, at Gitnang Luzon.
Ayon kay Radius Telecoms CEO & President Quiel Delgado, siya ay naniniwala na ang serbisyo ng telekomunikasyon ay maituturing na napakahalaga para sa pagsusumikap at muling pagbangon ng mga negosyo mula sa matinding epekto ng pandemya. Hangad ng Radius ang magpatuloy sa paghahatid ng serbisyo ng internet na siyang maituturing na pangunahing pangangailangan dahil sa new normal na setup sa tahanan ng bawat pamilyang Filipino.
Dagdag pa ni Radius Chief Operations Officer Jen dela Paz, laging sinisiguro ng kompanya na mayroong dedicated team na nakatutok para masiguradong hindi maaantala ang serbisyo nito sa mga customer.
Nagsimula na rin ang Radius na pasukin ang merkado ng SME at ng mga residential na customer. Ayon kay dela Paz, sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan, kaisa nila ang kanilang mga empleyado sa pagtahak ng direksiyong nais patunguhan ng Radius.
Napakahalaga ng mission at vision ng kompanya sa panahon ngayon. Pinatutunayan nito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng Radius sa muling pagbangon ng ating bansa sa pamamagitan ng paghahatid ng mahusay at maaasahang produkto at serbisyo hindi lamang para sa sektor ng mga negosyo kundi pati sa mga residential na konsyumer na nagtatrabaho at nag-aaral mula sa kani-kanilang tahanan.
Kaugnay nito, patuloy ang operasyon ng Radius 24/7 upang makapaghanda para sa bagong normal. Inilunsad din nito kamakailan ang Optical Transport Network (OTN) Suite, na maituturing na isang magandang balita para sa mga magiging customer nito.
Tulad ng mga nasaksihan natin nitong mga nakaraang buwan, hindi naging hadlang para sa mga global carrier at mga over-the-top (OTT) provider ang kumuha ng kapasidad upang suportahan ang kanilang malalaking data requirement. Ito ang oportunidad na hindi pinalampas ng Radius nang ilunsad nito ang OTN Suite. Nakipag-tambalan ang Radius sa Nokia upang ihatid ang Network Suite.
Gumagamit ng next-generation, industry-leading network protocol ang Radius OTN na kayang i-mutiplex ang iba’t ibang serbisyo papunta sa tinawag na optical light paths at nagbibigay ng hanggang 200 Gbps network capacity sa mga customers.
Binibigyang-daan ng revolutionary multiplexing capability na ito ang mas malaking lambda capacity at wavelengths per fiber na mas sulit para sa mga customer.
Ayon kay Delgado, nakatuon ang pokus ng kompanya sa paghahatid ng kakaibang network solution sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa globally-recognized optical network data service sa mga enterprise at wholesale custom-ers nito.
Ang OTN ay akma sa kasalukuyang ginagamit na DWDM Wave data service ng Radius na karaniwang ginagamit sa pag-uugnay ng mga data center. Sa pamamagitan ng Radius OTN, kaya nilang tapatan ang high bandwidth requirements ng enterprise customers nila sa Metro Manila. Kasama nito, hawak na seserbisyuhan din nila ang B-end requirements ng mga foreign carrier, mga OTT provider, at mga multi-national na korporasyon.
Ayon kay Nokia Philippines’ Enterprise Head of Sales Anthony Mejilla, kinikilala nila ang kakaibang kalamangan ng Radius sa bansa bilang nangungunang connectivity provider para sa mga malalaking negosyo. Sila ay masayang maging katuwang nito sa teknikal na aspeto ng naturang inisyatiba. Ang Nokia ay umaasa pa sa mas maraming kolaborasyon sa hinaharap.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagbabago at mga kolaborasyon na siyang nagpapatatag ng hinaharap ng telekomu-nikasyon, matindi ang aking kompiyansa na darami pa ang mga mahusay at maaasahang serbisyo sa mga susunod na taon para sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, bilang isang konsyumer, ang pinakamainam gawin ay ang subukan ang lahat ng serbisyong mayroon. Ito ay tunay na kapana-panabik na panahon dahil sa kabila ng pagsasakatuparan ng mga lockdown at social distancing, may paraan pa rin upang manatiling malapit sa isa’t isa.
423187 951721Some truly fantastic content material on this web internet site , thankyou for contribution. 598093
55217 925301hey good website i will definaely come back and see once more. 184682