INAGAHAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang direktiba sa kanyang police commanders para sa paghahanda sa Undas o Oplan Kaluluwa 2021.
Ayon sa PNP chief, ang maagang preparasyon ay upang maging matiwasay ang mga event na gagawin sa bansa lalo na’t nanatili pa ang pandemya.
Katunayan nito, ang maaga nilang preparasyon sa filing ng certificate of candidacy para sa 2022 polls na nagsimula noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 ay naging mapayapa at walang aberya.
Kaya ang susunod na pambuong bansang kaganapan gaya ng Undas ay aagahan din ang gagawing pagbibigay ng seguridad dahil kakaiba ang sitwasyon lalo na’t may health protocols pang sinusunod.
“Ngayon pa lang ay inatasan ko na ang ating mga unit commanders na simulan ng paghandaan ang mga seguridad na ilalatag sa darating na All Saint’s and All Soul’s Day sa Nobyembre 1 at Nobyembre 2, ayon kay Eleazar.
Inaasahan din ng PNP chief mula sa kanyang chiefs of police na makikipag-ugnayan nang maaga sa kani-kanilang mga local government unit upang pagplanuhan ang mga patakarang ipapatupad sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium lalo na at nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.
Ipinaalala rin ni Eleazar sa publiko na planuhing mabuti ang kanilang pag-alala sa mga mahal sa buhay lalo na’t nananatili ang mga guideline ng Inter-Agency Task Force upang makaiwas sa COVID-19.
Magugunita na noong isang taon ay sarado ang mga sementeryto dahil sa COVID-19 pandemic subalit mayroon din nakadalaw sa puntod ng kanilang pamilya. EUNICE CELARIO
136777 783419Woh I like your posts , saved to fav! . 641095
805082 236493Hosting a weblog composing facility (in a broad sense) requires unlimited space. So I suggest you to discover such internet hosting (internet space provider) that offer flexibility inside your internet space. 916490
100013 159607Youve truly written a really good quality write-up here. Thank you extremely considerably 225404