MAAGANG pagtatanim ang tugon ng ilang magsasaka sa bahagi ng Pangasinan bunsod ng naunang babala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na malalakas na bagyo ang posibleng maranasan sa bansa kasunod ng El Niño phenomenon.
Ito ang nabatid mula kay Pangasinan Farmers Irrigators Association President Ernesto Pamuceno na ang naturang hakbang ay bilang kahandaan na rin ng mga magbubukid upang hindi masalanta ang kanilang mga pananim sakaling dumating na ang mga mala-lakas na bagyo sa mga darating na mga buwan.
Ipinaliwanag pa nito, ilan sa kanila ay nagpatupad na ng early cropping o maagang pagtatanim upang sakaling dumating na ang mga bagyo ay maaari na nilang anihin kaagad ang kanilang mga pananim.
Bagaman aminado naman ni Pamuceno na iwas pinsala nga ito kapag may sakuna, hindi naman sila makaiiwas dahil sa pagka-lugi dahil mababa ang buying price ngayon. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.