MAAGANG PAMASKO, KASALANG BAYAN IDINAOS

Kasalang bayan

LAGUNA – MAAGANG pamasko ang ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Sta. Cruz matapos idaos ang Kasalang Bayan kamakalawa ng umaga.

Umabot halos na kulang isang daan na pareha ang sumailalim sa idinaos na Kasalang Bayan sa harap mismo ng Pamahalaang Bayan.

Sa ilalim ni Sta. Cruz Municipal Mayor Edgar “Egay” San Luis, ikinasal ang nasa 97 bilang ng mag-iisang dibdib kung saan tumayo naman bilang Principal Sponsor ng mga ito si President/CEO, Philippine International Trading Corporation (PITC) Usec. Dave Almarinez.

Laking kagalakan aniya ni Almarinez na maimbitahan siya at tumayo pang Ninong ng mga ito.

Sa kabila ng kinaugalian ng maraming Filipino na sa tuwing buwan ng Pebrero, pagdiriwang ng Valentines Day at buwan ng Hunyo ito isinasagawa, ito aniya ang kauna-unahang okasyon na napaulat bilang bahagi ng maagang pa­masko sa mga ito.

Ayon sa isang magkabiyak na sina Manilyn at Rodrigo Litan ng Brgy. Palasan, tumagal sila ng halos siyam na taon bago pa sila naikasal na may tatlong supling.

Samantala, pinayuhan naman ni San Luis ang mga bagong kasal na magsama sila habang buhay, may respeto at paggalang sa bawat isa. DICK GARAY

Comments are closed.