NATANGGAP na ng 222,418 personnel ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang year-end bonus.
Ito ang anunsiyo ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, makaraang i-release na ang P8,190,063,990.13 para sa mandated 2021 Year-End Bonus at cash gift para sa police personnel.
Sinabi ni Carlos na ang nasabing pondo ay mula sa regular PNP appropriations program sa ilalim ng 2021 budget.
Sa report ni Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr. kay Carlos, ang Year- End Bonus at Cash Gift ay idineposito na sa individual payroll accounts ng PNP Personnel sa Land Bank of the Philippines kahapon.
Ang Year-End Bonus ay katumbas ng isang buwang suweldo habang ang Cash Gift ay pro-rated sa P5,000 depende sa guidelines batay sa Fiscal Directive Number 2016-16 “Payment of Year-End Bonus
and Cash Gift for FY 2016 and Years Thereafter”.
Nilinaw naman ni PNP Spokesman Col. Roderick Augustus Alba na ang mga pulis na may pending administrative case ay hindi pa makatatanggap ng Year-End Bonus at Cash Gift. EUNICE CELARIO