NAVOTAS CITY – UMABOT sa 253 rehistradong mangingisda ang nakatanggap ng 20 metro na 28- at 30-millimetre fine mesh nets na karaniwang ginagamit sa sakag, isang gamit sa pangingisda na pa-tatsulok na lambat na nakakabit sa dalawang kawayan
Kasabay nito, pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang mga benepisyaryo sa kanilang dedikasyon na tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at sundin ang responsableng pangingisda.
Kamakailan lang ay pinirmahan ni Tiangco ang memorandum of agreement kasama ang unang batch ng mga benepisyaryo ng Navotaas Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship Program, na nagbibigay ng educational assistance sa mga anak o kamag-anak ng kinikilalang Top Ten Outstanding Fisherfolks. VICK TANES
Comments are closed.