(Maagang quarantine ipinatupad, aktibidad ng agrikultura nagpapatuloy) BOHOL LIGTAS SA COVID-19

Arthur Yap

IPINAGMALAKI ni Bohol Governor Arthur Yap na walang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa kaniyang nasasakupang lalawigan.

Bagaman walang dinapuan.ng naturang sakit, sinabi ni Yap na inagapan na nila ang kanilang safety measures para hindi sila pasukoin ng nasabing sakit.

Sa PTV 4 Laging Handa press briefing na pinangungunahan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, sinabi ni Yap na noong Enero pa lamang, kung kalian nanalasa na ang COVID-19 o noo’y tinawag na novel coronavirus (nCoV) sa ibang bansa ay nagpatupad na sila ng mga paghihigpity.

Sila rin aniya ang naunang nagsagawa ng quarantine upang pigilan na makapasok ang sakit sa kanilang lalawigan.

Naghigpit na rin si Yap at nagsagawa ng information dissemination kaugnay sa nasabing sakit  upang maiwasan ito

Bagaman walang kaso ng COVID-19 pinairal na ni Yap ang pagsusuot ng face mask kapag lalabas.

Bago pa ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong Marso 16 ay kanila nang pinaiiral ang curfew na alas-9 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

Ang mga senior citizen at 18-anyos pababa ay bawal ding gumala.

Samantala,  aminado naman si Yap na labis na naapektuhan ang kabuhayan sa kanila dahil karaniwang hanapbuhay doon ay may kaugnayan sa turismo.

Habang ang ikalawang source of income ng Boholanos ay pagtatrabaho sa ibang bansa.

Mula aniya sa hotel, resort, restaurant at transport sector ay apektado dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sa ngayon mahigpit ang pagpapatupad na Stay At Home ni Yap habang tuloy ang agricultural activities gaya ng pagtatanim, pag-ani, paghahayupan,   pangingisda at delivery of goods sa kanilang lugar

Ipinaalala naman ni Andanar kay Yap na handa ang pamahalaan na tumulong sa mga Boholanos sa pamamagitan ng Bayanihan Act at ang Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development Authority (DSWD). PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.