INIUTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang maagang paglalatag ng security measure ng kanyang mga tauhan para sa halalan sa susunod na taon.
Ito ay kasunod ng pagpaslang sa tatlong opisyal ng local government unit na kinabibilangan nina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Gayunman, tiniyak ni Albayalde na hindi naman sila naalarma sa magkakasunod na pagpaslang at ang kanilang hakbang na maagap na security measure ay upang mapigilan na aniya’y trending na pagpatay.
Aniya, bilang law enforcer, ang kanilang mga hakbang ay proteksiyunan ang lahat.
Nanawagan din si Albayalde sa mga LGU na kung ramdam nila ang pagbabanta sa kanilang buhay ay makipag-ugnayan sa kanila para sa kaukulang hakbang.
Tiniyak din ni Albayalde na kumikilos na rin ang intelligence community para pigilan ang posibilidad na pag-atake ng mga may masamang gawain. EUNICE C.
Comments are closed.