LABIS na hinangaan ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN party-list Rep, Ron Salo ang aktibong pakikilahok ng publiko kahit sa unang araw pa lamang na pagpapatupad ng Republic Act No. 11934 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.
“I commend the Filipino people for their enthusiasm to comply with this law. It just shows our citizens are law-abiding and they support our government’s initiative for an orderly society,” sabi ni Salo.
“The SIM Registration Law enhances accountability among users in the use of mobile communications through mandatory registration. It aims to deter unscrupulous individuals from committing illegal acts through the use of mobile networks by making users’ identities known,” dagdag ng KABAYAN party-list solon.
Paalala ni Salo sa sambayanang Pilipino, kinakailangang suportahan at marapat na sundin ang itinatakda ng nasabing batas lalo’t ang kabiguang mairehistro ang SIM card sa kaukulang mobile network provider ay magreresulta sa deactivation ng SIM number.
Dahil naman sa naging pagdagsa ng mga nagnanais na makapagparehistro ng kanilang SIM, nanawagan ang kongresista sa telecom firms, gayundin sa pamunuan ng National Telecommunications Commission (NTC) na palakasin at pagbutihin ang kapasidad o system ng mga ito na ginagamit sa pagpaparehistro.
“In the morning of the first day of the implementation of the law, several citizens reported that the registration systems of their networks crashed due to the high volume of users attempting to register their SIMs,” ayon pa kay Salo
Subalit pinawi naman ng ranking House official ang pangamba ng publiko na nababahalang hindi na magamit ang kani-kanilang SIM kapag nabigong mairehistro ito sa loob ng itinakdang 180-day period, dahil maaari namang magpatupad ng extension o paliwigin ng NTC ang registration period kung kinakailangan. ROMER R. BUTUYAN