MA’AM DYNEE DOMAGOSO: WALA KAMING MANSION SA AYALA ALABANG

KUNG sa ibang LGUs e kailangan muna ng pertmit to rally, iba sa Maynila.

Lahat ay puwedeng mangampanya, kahit sino, ‘di na kailangan na kumuha pa ng approval o permit sa Manila City Hall.

“Sa Maynila, walang permit-permit sa mga kandidatong gustong mangampanya. Karapatan ng tao na marinig kung ano ang sasabihin ng kandidato,” sabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa media.

E sa Davao City, ibinawal ang rally, motorcade kasi raw, pampasikip ng trapiko, at dahil sa health protocols, e walang problema ito sa Team Isko-Doc Willie.

“Maglalakad na lang kami, kakausapin namin ang mga tao sa kalsada, Ok lang iyon,” sabi ni Yorme Isko.

Mas mabuti nga iyon, tutal sanay naman ang Aksyon Demokratiko na direktang makipag-usap sa tao: sa plaza, sa barangay hall, sa munisipyo, sa covered court, sa kalsada.

Mas maganda iyon kasi, personal na pag-uusap: malapitang naririnig ni Yorme Isko ang daing, sentimyento ng tao; mukha-sa-mukha na sinasabi ni Isko ang gagawin niya para masolusyonan ang problema sa kahirapan.

Maayos niyang naipaliliwanag ang mga dahilan ng paghihirap ng magsasaka, ng mangingisda, ng karaniwang obrero, empleyado at mga nawalan ng trabaho gawa ng pandemya.

Mas mabuti ang harap-harapang diskusyon sa mga problema ng gutom, kapos na tulong sa edukasyon, medical services at kung paano niya magagawa, sabi ni Yorme Isko na mapaunlad at mapaganda ang mga bayan, siyudad na tulad ng ginawa niya sa Maynila.

Mas rumehistro sa isip, mas kumakapit sa puso ang kongkreto, bilis-kilos na aksiyong Isko kaysa hakot-hakot na tao na maingay na, magulo pa.

o0o

Gasgas na raw ‘yung ‘Basurero narrative’ ni Isko Moreno para kumuha ng simpatiya sa mga botante, hmmm, teka nga.

Foul iyan sa tingin natin, at tama si Kumander in-Tsip ni Yorme, kasi, hindi naman sinasabi na ngayon e basurero pa rin si Isko.

“Nag-artista siya, nagnegosyo din kami along the way. Makikita naman nila ’yan, nagdedeklara naman kami lagi ng taxes,” sabi ni Madam Dynee Ditan Domagoso.

May negosyo ang Domagoso family, sabi ni Ma’am Dynee – na mula sa angkan na medyo angat nang kaunti sa buhay.

Graduate lang naman si Ma’am at mga kapatid sa De La Salle Zobel at De La Salle University, at may kauting kabuhayan ang pamilya Ditan.
12 years nang nagnenegosyo sila sa gas stations at tsismis lang, hindi totoo na may mansion sila sa Ayala Alabang.

Dati sa De La Salle Zobel sa Ayala Alabang siya nag-aral, pero ang pamilya nila ay sa Las Pinas at may bahay sila sa Tondo.

At sa bahay pa rin nila sa Tondo sila nakatira hanggang ngayon, sabi ni Mrs. Domagoso, kaya mali, hindi totoo na sila ay taga-Ayala Alabang.

o0o

Tungkol sa P50-milyon na isinama ni Yorme Isko sa income niya, paliwanag ni Ma’am Dynee, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nagsabi na iyong excess campaign funds ay puwedeng ideklarang parte ng kanilang income.

“Sabi ng BIR, ang kailangan lang,… we must pay taxes for it so that’s what we did,” paliwanag ni Madam, at wala silang nilabag na batas.

Unfair kay Yorme na upakan siya sa isyu ng excess campaign funds, sabi ni Ma’am Dynee sa mga reporter sa Pagadian City.

E, bakit hindi naman daw banggitin ang mga donasyon sa sariling pera ni Yorme – na milyon-milyon simula noon pang 2019.

Lahat ng kinita ni Yorme Isko sa marami niyang endorsements, idinodonate niya sa mga nangangailangan.

“I’m just saying napaka-one sided lagi,” sabi ni Ma’am Dynee – na totoo naman na nakikita lang ng mga kritiko ay ang “mali” at itinatago sa publiko ang mabubuting ginagawa ni Yorme Isko.

o0o

Hahahahaha-ha, ‘yun palang Kakampink ang kakampi ng mga komunista.

E ‘di ba noon, si Yorme Isko ang binabanatan na kakampi raw ni Joma Sison kaya ang sarkastikong tawag kay Isko ay “Jomagoso” imbe na Domagoso.

Sa ‘hakot rally’ ni Madam Lu sa Cavite kamakailan, kita ang red flag ng Kadamay, Akbayan at iba pang leftist group – na siyempre, deny-to-heaven ang mga Kakampink.

Nag-warning na si Presidente Rodrigo Duterte na na-inflitrate na ng makakaliwa ang kampo ni VP Leni Robredo; iyon din ang sabi ni presidential aspirant Sen. Ping Lacson at ni Cavite 7th District Rep. Boying Remulla.

Sa lawak ng intelligence network ng Pangulo, mapaniniwalaan ang sinabi ni Tatay Digong, at dating PNP chief Ping Lacson at bilang senador, alam niya ang galaw ng mga maka-kaliwa kaysa panay lang ang pagtanggi ni Barry Gutierrez na fake news daw iyon.

Kung ‘di pa ito alam ni dating Associate Justice Antonio Carpio na promotor ni VP Leni, kumilos na agad sila kasi, baka may magpasabog – na ekspertong trabaho ng mga alagad ni Joma.

Ayaw natin ng gulo at kung patuloy na itatanggi ni Lady in Pink na kaalyado na nila ang mga leftist, inakupo, ‘wag palutang-lutang Ina’nyo.

o0o

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang po sa [email protected].