MAKARAAN ang ilang linggo, ipinataw na ni PNP Officer in charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang pagsibak sa serbisyo kay Lt. Joven De Guzman, ang team leader ng maanomalyang raid sa Antipolo City noong Mayo 2019.
Ayon kay Gamboa, tinanggal sa serbisyo si De Guzman matapos makitaan ng grave misconduct ng Internal Affairs Service ng PNP.
Kasama rin si De Guzman na isa sa 13 Ninja cops na nag-operate sa Pampanga.
Una nang sinibak ni Gamboa ang tatlong Ninja cops na sina Police Master Sargeant Donald Roque; Police Master Sargeant Rommel Vital at Police Corporal Romeo Guerrero Jr.
Habang pina-review muna ang kaso ni De Guzman dahil 58 days suspension lang ang naipataw rito.
Matatandaang pinasok umano ng pitong pulis ang bahay ng isang Arnold Gramaje nang walang search warrant at pinalabas ng mga ito na buy bust operation ang nangyari.
Kinuha umano ng mga nasabing pulis ang halagang P30,000 na cash at ilang gadget sa loob ng bahay gayundin ang pagtatanim ng ebidensiya sa biktima. REA SARMIENTO
Comments are closed.