MAASIN AIRPORT NEW PASSENGER TERMINAL BUBUKSAN NG DOTr AT CAAP

MAASIN AIRPORT

NAKATAKDANG  pasinayaan ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong Passenger Terminal Building ng Maasin Airport.

Pangungunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang naturang pagtitipon kasama si DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Capt. Manuel Antonio Tamayo, at CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco.

Ayon kay Tugade, ang airport’s Passenger Terminal Building (PTB) na ito ay ni-rehabilitate upang maiangat ang kapasidad mula community airport tungo sa  standard Principal Class 2 airport, upang matugunan ang  transport demands.

Sinabi pa nito  na  inaasahan na ang  pagkakaayos  ng Maasin Airport upang  umunlad ang ekonomiya sa lugar.

“Gusto natin inclusive growth, kaya kung mapapansin ninyo, agresibo tayo sa pag-implement ng mga proyekto sa mga probinsya. Gaya nitong bagong terminal ng Maasin Airport na siguradong makaka­tulong sa economic activity ng Leyte,” paha­yag  ng  kalihim.

Noong 2013, ang nasabing paliparan ang nagsilbing backup entry point para sa  relief goods at medicine deliveries ng  Tacloban na matinding  hinagupit ng super typhoon Yolanda, at ito rin ang naging alternate airport ng Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban.

Inaasahang dadalo ang mga lokal na opisyales ng Leyte, na sina Governor Leopoldo Dominico L. Petilla at Vice Governor Atty. Carlo Loreto, Maasin Mayor National V. Mercado at Vice Mayor Maloney L. Samaco. FROI MORALLOS

Comments are closed.