MAAYOS AT MAASAHANG SERBISYO NG KURYENTE MULA SA MERALCO AT ENERGY EFFICIENCY TIPS PARA SA MGA KONSYUMER

KASABAY ng panahon ng tag-init ay ang patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahil dito, maraming indibidwal ang talaga namang sabik na magplano ng kani-kanilang bakasyon.

Habang ang karamihan ay abala sa paggawa ng plano kung paano susulitin ang na­lalabing panahon ng tag-init, nakatuon naman ang energy industry sa pagsiguro na ka­yang matugunan ang pagtaas ng demand para sa kuryente.

Dahil sa tumataas ng 10 hanggang 40 porsyento ang konsumo ng kuryente ng mga customers tuwing tag-init, hinihikayat ng industriya – sa pangunguna ng Department of Energy (DOE) – ang mga konsyumer na maging masi­nop at matalino sa paggamit ng kuryente.

Kasama sa panawagang ito ang Manila Electric Co. (Meralco) bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa. Batid ng Meralco ang napakahalagang papel na ginagampanan nito para masigurong maayos at maasahan ang serbisyo ng kuryente para sa mahigit 7.4 milyon na customers nito.

 

 

Mas kritikal pa ang panahon ng tag-init ngayong taon dahil nalalapit na rin ang eleksyon kung saan mamimili ang mga Pilipino ng mga lider na mamumuno sa bansa sa mga susunod na taon.

Bilang bahagi ng Energy Task Force Election (ETFE), nakikipagtulungan ang Me­ralco sa iba pang miyembro ng industriya upang siguruhing hindi maaantala ang serbisyo ng kuryente sa eleksyon.

Maagang nagsimula ang paghahanda ng kumpanya sa nalalapit na eleksyon at nagsagawa na ito ng inspeksyon sa halos 3,000 na polling cen­ters, canvassing centers, at iba pang kritikal na lugar na sakop ng prangkisa ng Me­ralco. Nagkaroon din ng maintenance activities para sa mga pasilidad ng kuryente upang masigurong nasa maayos na kondisyon ang mga ito pagdating ng halalan.

“Historically, Meralco’s franchise area has had no problems during election ­period, but we have prepared contingency plans in case of isolated power outages to ensure that our facilities and personnel are ready to respond to any emergency,” pahayag ni Meralco Spokesperson at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga.

“Our mobile generator sets will be deployed in strategic areas, and our crews will be positioned in strategic locations so that in case of isolated interruptions, we can immediately respond and resolve any problem,” dagdag pa niya.

 

KARAGDAGANG SUPPLY PARA SA TAG-INIT

Bukod sa paghahanda para sa paparating na eleksyon, pinaghandaan din ng Meralco ang panahon ng tag-init. Sinikap ng kumpanya na makakuha ng karagdagang 350 MW na supply ng kur­yente upang matugunan ang tinatayang pagtaas ng demand.

Mayroon ding programa ang Meralco ukol sa panga­ngasiwa ng demand sa kur­yente ng mga customer nito, katulad ng Interruptible Load Program (ILP).

Ang ILP ay isang programang naglalayong pangasiwaan ang demand sa kuryente kung saan ang mga malala­king customer ng Meralco ay boluntaryong gagamit pansamantala ng kanilang gene­rator set sakaling kulangin ang supply ng kuryente at magkaroon ng panganib ng pagkakaroon ng rotational brownout.

Tinatayang nasa 122 na kumpanya na kabuuang de-loading capacity na aabot sa halos 560 MW ang kasali sa programang ito.

 

MAS MATALINO AT MASINOP NA PAGGAMIT NG KURYENTE

Bilang tagapagtaguyod ng sustainability, patuloy ang Meralco sa paghikayat sa mga customer nito na uga­liin ang matalino at masinop na paggamit ng kuryente at gawin itong bahagi ng araw-araw na pamumuhay. Bukod sa makatutulong sa pag-kontrol ng konsumo, paraan din ito upang makatipid ang mga customer.

Makatutulong sa mga customer ang matutunan ang mga paraan kung paano maaaring ma-kontrol ang konsumo lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Kung paghahambingin ang nirerehistrong konsumo ng mga kagamitang may compressor gaya ng aircon at refrigerator sa panahon ng tag-init at sa malamig na mga buwan, tinatayang tumataas ito ng 11% to 23% sa kada degree na itinataas ng temperatura. Ito ay dahil mas kinakailangang magtrabaho ng compressor ng mga nasabing kagamitan kapag mataas ang temperatura ng panahon.

Upang matulungan ang mga customer sa pagtitipid sa kuryente ngayong panahon ng tag-init, narito ang ilang mga payo na maaaring gawin at sundan:

AIRCON. Ang aircon ang isa sa pinakamalakas kung konsumo sa kuryente ang paguusapan. Maaaring umabot sa 70% ang kontribusyon nito sa kabuuang konsumo ng isang bahay. Bunsod nito, lubhang mahalaga na siguruhing tama ang sukat ng pipiliing aircon dahil kung ang sukat nito ay hindi ang­kop sa laki ng kwarto o lugar na palala­migin, maaa­ring u­mabot sa 35% hanggang 110% ang itataas ng konsumo nito.

Kung planong bumili ng bagong aircon, mainam kung mamumuhunan sa inverter technology dahil maaaring makatipid ng 20% hanggang 66% sa konsumo kung ihahambing sa mga conventional na aircon.

Maaari ring makatipid sa konsumo kung ang aircon ay regular na nalilinis. Kung ang 1.0 window-type air condition na may maruming filter ay gagamitin na may katamtamang setting sa loob ng 8 na oras, ito ay maaaring magresulta sa karagdagang P341 kada buwan sa bayarin sa kuryente.

REFRIGERATOR. Malaki ang maititipid ng customer kung ang refrigerator ay mayroong inverter technology at mataas na Energy Efficiency Factor (EEF) rating. Ang inverter na refrigerator ay mas episyente ng 50%. Ang mas mataas naman na EEF rating ay nangangahulugan na mas bumababa ang gastos sa konsumo habang tumatagal.

Hindi rin makabubuti kung pupunuin ang refrige­rator dahil mas tataas ang irerehistro nitong konsumo. Inire­rekomenda ng Meralco sa mga customer nito na hanggang 2/3 o 70% lamang ng kapasidad ang gamitin sa tuwing maglalagay ng pagkain sa refrigerator.

 

 

BENTILADOR. Bukod sa regular na paglilinis ng mga blade ng bentilador, nakatitipid din sa konsumo kung ilalagay ito sa mababang setting sa tuwing gagamitin. Ang customer na gumagamit ng 16-inch na bentilador na nasa #1 o mababang setting sa loob ng 9 na oras sa isang araw ay maaaring makatipid ng P32.40 kada buwan kum­para sa kung ito ay nasa #3 o pinakamalakas na setting.

KOMPYUTER. Upang maging matipid sa konsumo, makatutulong kung ang antas ng liwanag ng monitor ng kompyuter ay ibababa nang bahagya. Kapag hindi naman ginagamit, mas mainam kung ilagay ito sa sleep mode o patayin na lamang upang makatipid ng hanggang 90% sa konsumo.

INDUCTION COOKER. Mas mainam kung gagamit ng induction cooker sa halip na gas at electric, coil-type na kalan dahil ito ay mas episyente ng 82%. Mas mabilis maluto ang pagkain kung induction cooker ang gagamitin. Hindi rin ito sing-init ng makalumang mga kalan dahil ito ay gumagamit ng eksaktong temperaturang kinakailangan upang maluto ang pagkain.

Kaugnay ng pagtaas ng presyo ng mga LPG, maaa­ring makatipid ang customer ng hanggang P240 kada buwan kaysa makalumang kalan ang gagamitin.

Upang maging mas madali para sa mga resi­densyal na customer ang pagkontrol sa kanilang konsumo, inilunsad ng Meralco ang Appliance Calculator. Maaari itong gamitin upang malaman kung magkano at gaano kalaki ang kontribusyon ng mga kaga­mitan sa kabuuang bayarin sa kuryente kada buwan ng isang customer. Ito ay matatagpuan sa Meralco Mobile App.

 

 

Ang impormasyon mula sa Appliance Calculator ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga customer na pag-aralan at baguhin ang kanilang paraan ng pagkonsumo nang sa gayon ay mas makatipid ang mga ito sa bayarin buwan-buwan.

Tumaas man o bumaba ang presyo ng kuryente, nakasalalay pa rin sa konsyumer ang pagkontrol ng kanilang konsumo. Kung uugaliin ang masinop at matalinong paggamit ng koryente, maaa­ring makontrol ang konsumo nang naaayon sa badyet ng pamilya.

 

Para sa kumpletong listahan ng mga tip at iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa opisyal na website ng Meralco sa www.meralco.com.ph.