SA halip na dagdagan ang mga kalsada at skyways na lalo lamang nagreresulta sa maraming sasakyan sa mga lansangan, isusulong ng BBM-Sara UniTeam ang pagsasaayos ng mass transport system sa Metro Manila para tuluyan nang masolusyunan ang matinding trapiko.
Ayon sa tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte, batid nila ang pangangailangan na maisaayos at mapaganda ang mass transport system sa bansa lalo na ngayon na kailangan nating bumawi mula sa pandemya.
“Improving our mass transport system is the best long-term solution to address our traffic problem.
Merely increasing road capacity is not the only way to go about it. Urban planners noted that, it can even worsen it. We need to reduce the number of private cars on our roads,” ayon sa UniTeam.
Ayon sa pag-aaral nitong 2015 ng Japan International Cooperation Agency (JICA), halos siyam sa sampung residente sa Metro Manila ay walang sariling sasakyan at umaasa lamang sa public transport sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
“Our priority is to create an efficient mass public transport that would increase the mobility of the typical commuter. Not only that, it should be comfortable so that people are encouraged to use it. In addition, we will work on a seamless intermodal system that will be very convenient for all who will use it,” dagdag ng UniTeam.
Kabilang sa plano ng UniTeam ang pag-modernize sa Pasig River Ferry para magbigay ng alternatibong transportasyon sa mga commuter.
Isusulong din ng UniTeam ang pag-institutionalize sa libreng sakay sa Edsa Carousel bus route sa Metro Manila, na naglalayong makapagbigay ng katipiran sa mga pangkaraniwang manggagawa.
Pabor din ang UniTeam sa planong ilipat ang ilang sangay ng pamahalaan sa labas ng Metro Manila para lumuwag ang tinaguriang sentro ng bansa.
“It has been done before, and it gave the Metropolis ample breathing room to expand. But now that our population has skyrocketed, and density has increased, we need to seriously consider doing it again without disrupting trade and basic services,” anang UniTeam.
Nauna nang iginiit ng UniTeam na plano nilang ituloy ang matagumpay na kampanya ni Pangulong Duterte na Build Build Build program at mas pagagandahin pa ito.