MAKALIPAS ang 10 taon, tumanggap ng pagkilala ang lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) bilang “Good Financial House keeping” dahil sa maayos na paggastos ng pondo ng bayan.
“Unang beses nating makuha ito sa buong kasaysayan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Last time, I already said that I will not tolerate a dismal performance from the City Government under my watch. We will always aim to do better for the Manileños,” ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso.
Nabatid kay Moreno, pumasa na ang Maynila sa ipinatutupad na pamantayan para sa good financial housekeeping sa isinagawa nitong assessment matapos ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na maging financially transparent.
Napatunayan na umano ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ginastos nito ang kanilang pondo “wisely” sa nakalipas na taon.
“Of course, we won’t stop here. We’ll continue to ensure that our local government funds will be used to provide more services to our constituents. Dapat lang na mapunta ito sa pagpapaunlad ng healthcare facilities, pagpapataas ng kalidad ng nutrisyon ng mga Batang Maynila at sa pagtatatag ng iba pang mga pasilidad para sa pakinabang ng lahat,” dagdag pa ni Moreno.
Nabatid na ang Good Financial Housekeeping Award ay isa sa pamantayan sa local government unit para makakuha ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa DILG.
Ang SGLG ay “an award, incentive, honor and recognition-based program for all LGUs, and is a continuing commitment for LGUs to continually progress and improve their performance.”
Bago i-award ang SGLG nagsasagawa muna ng ebalwasyon sa local governance sa Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness at sa Tourism, Culture and Arts.
Sinabi ni DILG Manila Field Office director Atty. Rolynne Javier na ngayon ay buwan ng Local Government Month at ang ibiniģay na sertipikasyon sa lokal na pamahalaan ng Maynila ay katibayan na nakakagawa na ng maayos ang LGU at lider nito na ang pangarap ay maging maayos at maganda ang siyudad. PAUL ROLDAN
Comments are closed.