SINIGURO ng Bureau of Immigration (BI) na walang nagambala sa kanilang serbisyo at tuloy tuloy pa rin ang kanilang operasyon nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang international airports.
“Following the cancellation of flights due to the technical issues experienced at the airports, we expect a huge number of arriving and departing passengers in the next few days,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.
“This adds to the already high number of travelers due to the holidays,” dagdag pa nito.
Ani Tansingco na nananatiling maayos at sapat ang kanilang tauhan na naka-deploy sa mga Paliparan.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na bagama mahaba ang pila ng mga pasahero, siniguro nito na mapo-proseso na mabilis ang kanilang mga dokumento..
“We have all hands on deck during this critical period,” ayon kay Capulong. “We have likewise instructed airport terminal heads to ensure all counters are manned,” diin nito.
Hinikayat din ni Capulong na gamitin ang mga electronic gates para makabawas sa oras ng pag-proseso mula sa 8 pasahero kada segundo.
Iniulat ng BI na may kabuuang 12,304 na mga arrivals noong Enero 1, kumpara sa 32,101 noong new year’s eve.
Samantala, may kabuuang 19,010 departures ang naitala noong Bagong Taon habang 24,405 ang naproseso nitong Disyembre 31. PAUL ROLDAN