MAAYOS NA SUPLAY NG KORYENTE SA KANAYUNAN ANG SUSI NG PROGRESO

magkape muna tayo ulit

ANG MGA maliliit na negosyante ay nahaharap sa matin­ding pagsubok lalo na ang mga nasa labas ng Maynila dahil sa kakulangan ng pondo at teknikal na kaalaman. Ito  marahil ang dahilan  kaya hirap silang lumago.

Kailangan nila ng suporta mula sa gob­yerno at pribadong sektor para makatulong na maisulong ang paglago ng ekonomiya pati na ang pagpapalaganap ng paggamit ng makabagong teknolohiya at kahandaan sa ano mang problema.

Mahalaga sa kanilang paglago ang magkaroon ng tamang suplay ng koryente para tuloy-tuloy ang kanilang operasyon na makatutulong upang makipagsabayan sila sa mga kakumpetensiya sa kanilang sektor.

Isang maaasahan at sapat na suplay ng koryente ang kailangan ng mga lalawigan sa labas ng Maynila para pumasok ang mga bagong negosyante at namumuhunan.

Ito ang dahilan kaya ang mga kooperatiba sa elekstrisidad sa mga kanayunan ay kailangan magkaroon ng matibay na imprasktura para masiguro na makapama­mahagi sila ng sapat na suplay ng enerhiya para masuportahan ang mga lokal na establisimiyento  sa kanilang operasyon.

Isa sa mga malaki ang potensiyal para sa makapag-ambag sa paglago ng ating eko­nomiya ay ang probinsya ng Pampanga. Ang lalawigan ay may pinakamalaking ambag sa GDP sa ekonomiya ng Gitnang Luzon.

Patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pampanga dala ng maayos na agrikultura, pagmama­nupaktura at mga gawaing pangserbisyo. Dahil dito, ang lalawigan ay isang atraktibong destinasyon para mamuhunan ang mga negosyante

Para masustina ang paglago ng lalawigan, kailangang palakasin ang operasyon ng mga kooperatiba sa elektrisidad nang sa gayon ay masiguro na may sapat at maaasahang suplay ng koryento sa probinsya.

Magiging komplemento ito sa mga mahalagang pagbabago ng imprastraktura gaya ng mga bagong kalsada, tulay, at transportasyon na dahilan upang umigi ang mga operasyon ng mga negosyo at lohistika sa Pampanga.

Isa sa mga tungkulin ng Meralco ang pag-ayuda sa paglago ng bansa, kaya naman inatasan ni Meralco Chairman at CEO Manuel V. Pa­ngilinan ang kompanya na palaganapin pa ang kanilang kaalaman sa pamamahagi ng kor­yente sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kooperatiba ng elektrisidad para mapabuti pa ang kanilang serbisyo.

Katulad ng ginawa ng kompanya sa hilaga sa pagtulong sa mga kooperatiba ng elektrisidad na mapabuti pa ang kanilang serbisyo, ang Meralco ay nangako  na tutulungan ang Pampanga na magkaroon ng tamang enerhiya sa mababang halaga.

Sa isang pagpupulong na inorganisa ng CAMI (Capampangan in Media Inc.) sinabi ng mga opisyal ng Meralco na parte ng kanilang estrahiya ang mamuhunan at makipag-partner, kasama na ang pagsuporta sa lumalaking pangangailangan sa enerhiya ng Pampanga.

“Ang Meralco ay handang pasukin ang mga probinsiya para makipagpartner sa mga kooperatiba ng elektrisidad at punan ang kanilang mga panga­ngailangan,” sabi ni Senior Vice-President at Chief External ng Go­vernment Affairs Office ng Meralco na si Atty. Arnel Casanova.

Nag-iikot si Atty Cassanova sa iba’t ibang pulong para ihayag ang layunin ng Meralco na makatulong sa pagbuo ng bansa sa pamamagitan ng pagbigay ng pinansiyal at teknikal na tulong sa mga koo­peratiba ng elektrisidad.

Kamakailan lamang, nagsalita si Atty Cassanova sa Monday Circle na ginanap sa Westin Manila. Ayon sa kanya, ang pagdalo niya sa ga­nitong lingguhang pagpupulong ay mahalaga sa adkihain at adbokasya ng kompanya na ayusin ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon at isulong ang paglago ng bansa.

Ang Monday Circle ay isang bagong tatag na pagpupulong na pi­nupuntahan ng mga organisasyon at bangkong namumuhunan, mga pribadong negosyante, at iba’t bang ahensiya ng gobyerno at media.

Pinansyal at teknikal na abilidad ng Meralco

May malalim na bulsa ang Meralco para mag-infuse ng kapital upang pag-ibayuhin ang serbisyo ng kooperatiba sa pamamagitan ng tamang pamumuhunan sa imprastraktura, sistema, at pagsasanay ng kanilang mga tauhang teknikal.

Nagbibigay ng tulong ang Meralco sa mga kooperatibang elektrisidad sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kanilang ekspertong teknikal sa larangan ng pag-distri­byut ng koryente, isang kapasidad na hindi kayang ibigay ng ibang kompanya sa enerhiya sa bansa.

Sa katunayan, naki­pagpartner na ang Me­ralco sa PELCO II, isang kooperatibang elektrisidad sa Pampanga. Kamakailan lang, binili ng Meralco ang isang bagong 20-megavolt ampere (MVA) substation sa Mabalacat na magsisimulang paganahin sa Pebrero sa susunod na taon.

Kasama sa prayoridad ng socio-economic agenda ng Pangulong Marcos Jr ang pagkakaroon ng seguridad sa ener­hiya sa bansa. Nani­niwala ang Pangulo na ang sapat na suplay enerhiya ay importante para makaengganyo pa ng mga banyagang negos­yante na pumasok sa bansa na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang lalawigan ng Pampanga ay isa sa mga probinsya na maaa­ring destinasyon ng mga namumuhunan at mo­delo ng isang matibay na ekonomiya.

Para maging isang industriyalisadong lalawigan, kailangan ang isang maasahan, sapat at siguradong dami ng koryente. Kung wala nito, magiging malaking hamon para maakit ang mga negosyante na mamuhunan sa probinsya.