NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mababang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 19 (COVID-19) sa bansa hanggang kahapon.
Batay sa inilabas na case bulletin ng DOH, nabatid na hanggang 4PM nitong Disyembre 4, ay umabot lamang sa 934 ang bagong kaso ng COVID-19 na kanilang naitala.
Dahil naman sa mga bagong kaso ng sakit, umakyat na sa 436,345 ang total COVID-19 cases sa Filipinas.
Pinakamaraming naitalang bagong kaso ng sakit sa Quezon City, na may 75 new cases; Laguna na may 59 new cases; habang 34 new cases naman ang naitala sa Baguio City, Bulacan at Davao City.
Samantala, iniulat ng DOH na may naitala rin silang 148 na bagong gumaling sa COVID-19 hanggang kahapon, sanhi upang umabot na ngayon sa 399,457 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
Mayroon din namang 63 pang pasyente ang sinawimpalad na nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 8,509 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.