AMINADO ang Commission on Elections na posibleng ang mababang kalidad ng SD cards ang dahilan ng pagpalya nito.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, isa lamang ito sa mga dahilan ng mga aberya noong eleksiyon.
Sinabi ni Casquejo na sumunod lamang sila sa procurement law kung saan ang lowest bidder ang dapat na kuning supplier.
Maaari rin aniyang nagkaroon ng epekto ang pag-upgrade ng vote counting machines (VCMs) at ang matagal na pagkakaimbak ng mga makina.
So we’re going to investigate after this elections kung ano ba talaga ‘yung naging cause ng pagiging defective SD cards. So we will try to look into that and then papanagutin natin kung sino ‘yung may ano talaga, ‘yung cause talaga, If it’s the low quality of the SD card then we will not pay the provider of the SD card. And the good thing about this since we are expecting this, we intensify ‘yung sinasabi nating regional technical hub, our RTH.” ani Comelec Commissioner Marlon Casquejo.
Tiniyak naman ni Comelec Chairman Sheriff Abbas na papanagutin nila ang mga supplier kung may makikita silang paglabag sa nilagdaan nilang kontrata.
Ayon kay Abbas, isa sa nakita nilang diperensya ngayong eleksiyon ay ang iba’t ibang supplier ng mga gamit tulad ng VCM, SD card, marking pens at iba pa.
“Kaibahan nito ngayon sa 2016, in 2016 bundled ‘yung aming bidding, ibig sabihin isang supplier lang ang nag-supply ng makina, ng marking pen, ng papel, and SD cards, Smartmatic lang lahat ‘yon, so bundled ‘yon. Nu’ng 2016, after 2016, humingi kami ng budget sa DBM, so ang nabigay sa ‘min is ‘yung OTP, e, ‘yung option to purchase, kaya nabili natin ‘yung 2016 makina. Ang problema sa OTP is unbundled ‘yung ibang component. So, ngayon, iba ang supplier ng SD cards, iba rin ang suppliers ng papel, and marking pen,” paliwanang ni Abbas.
Batay sa report ng Comelec, umabot sa 961 vote counting machines (VCMs) ang pumalpak sa eleksiyon. DWIZ882
Comments are closed.