MABABANG PRESYO NG BIGAS

MAY magandang development ka­ug­nay sa bentahan ng bigas.

Ito ay nang tiyakin ni National Food Authority  Administrator Larry Lacson na makabibili na ng nasa  7.2 milyong sako ng bigas na  tig-50 kilo ang timpani.

Ang bibilhing bigas ay nagkaka­ha­laga ng P25 kada kilo.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacson matapos na i-release ang palay procurement budget na nagkakahalaga ng P9 billion.

Ang naturang volume ay naaayon  sa palay procurement target ng NFA para sa wet season na 6.4 million hanggang 8.7 million bags, upang makamit ang kanilang procurement goals.

Hawak na ng NFA ang natitirang P9 billion budget para sa palay procurement ngayong taon kung saan ang nasabing pondo ay makatutulong sa gobyerno na suportahan ang rice farmers habang wet season.

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magkakaroon ng sapat na pondo ang NFA para suportahan ang rice farmers habang wet season na kritikal para sa kanilang kabuhayan sa mahirap na panahon na ito.

Matatandaan na kamakailan lang ay in-adjust ng NFA ang buying price range para sa palay at binabaan ito mula sa dating P25 hanggang P27 kada kilo.

Dahil sa pahayag na iyan ng DA, aasahan ng consumer ang mababang presyo sa bigas.