MABABANG SINGIL SA KORYENTE NGAYONG ENERO

KORYENTE-4

MASIGLANG inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na mas mababa na ang si­ngil sa koryente ngayong pagpasok ng Bagong Taon sa kanilang customers na anila ay makaaasa ang publiko ng mas mababa sa kanilang mga electricity rates kasunod ng mga magkakasunod na tatlong buwang pagtaas ng nakaraang taon.

Sa kanilang ipinalabas na statement, may pagbaba ng power rates ng 41 centavos kada kilowatt-hour, o pagbaba ng nasa P82 sa tipikal na kabuuang total electricity bill.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang naturang pagbaba ng bayarin sa koryente ay resulta ng pagbaba ng halaga mula sa Meralco’s Power Supply Agreements (PSAs).

“Lower PSA charges were brought about by a reduction in capacity fees as a result of the annual reconciliation of out-age allowances done at the end of each year under the PSAs approved by the Energy Regulatory Commission (ERC),” saad ni Zaldarriaga.

Idinagdag pa nito na ang maagang pagkaka-kompleto ng taunang capacity payment sa Sual Unit 1, Ilijan, Pagbilao Unit 1 at Panay Energy ay resulta ng pagkakaroon ng pagtitipid na ipinasa naman sa mga consumer sa pamamagitan ng pagbaba sa bayarin ng kor­yente.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.