MABABANG TARIPA SA MECHANICALLY DEBONED MEAT (MDM)

alex santos

KUNG gaano kabilis umikot ang mga araw, linggo at buwan, ay ganoon din kabilis ang pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.

Nagsimula ito nang manalasa ang magkakasunod na bagyo at kalamidad noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa unang linggo naman ng Enero ngayong 2021, sumirit sa halos P400 ang kada kilo ng karneng baboy sa Metro Manila.

Kung pagbabatayan ang price monitoring ng Department of Agriculture (DA), pumalo raw sa P380 ang kada kilo ng liempo sa mga palengke tulad ng Pasay City Market, Marikina Public Market, San Andres Market, Pasig Mega Market, Muntinlupa Public Market, at Las Piñas Market.

Maging sa Mega QMart sa Edsa Quezon City at Quinta Public Market sa Maynila ay tumaas din.

May paliwanag naman si Agriculture Asst. Secretary Kristine Evangelista sa price hike na ito.

Kapos daw kasi ng suplay na dulot ng African Swine Fever (ASF) sa buong Luzon. Ibig sabihin, tumaas ang demand.

Naglatag na nga ang DA ng mga Kadiwa Booth sa mga pamilihan upang matulungan ang mga mamimili na magkaroon ng murang presyo ng karneng baboy.

Mula raw nang ilunsad ito, dito na raw bumibili ng mas mababang halaga ng pork meat ang mga tao.

Mas mababa sa Kadiwa booth ng DA sapagkat nasa P240 lamang ang kada kilo ng liempo.

Maganda naman ang ideya ng DA para magkaroon ng kompetisyon.

Sa kabilang banda, may magandang balita naman para sa consumers dahil nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order (EO) na nagpapababa sa import duty sa ilang food additives ng hanggang 5 percent.

Nababahala raw kasi ang Presidente sa posibleng lalo pang pagsipa ng halaga ng meat products bunsod na rin ng mataas na taripa sa mechanically deboned meat (MDM) ng chicken at turkey.

Napaso na kasi ang EO 82 noong December 31, 2020 dahilan upang bumalik sa dating original na rate na 40 percent ang taripa sa MDM.

Buti na lamang at nairekomenda agad ng National Economic and Development Authority (Neda) kay Pangulong Duterte na ibalik ang 5-percent tariff sa MDM dahil tiyak na tataas pa lalo ang halaga ng karne.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang MDM products ay mahalagang sangkap ng hot dogs at canned luncheon meat na karaniwang almusal ni Juan dela Cruz.

Kaya ngayon natin napagtanto na ang mataas na taripa ng mga nasabing produkto ay isa sa mga maaaring dahilan kaya sumipa ang halaga ng karneng baboy at iba pa nitong mga nakaraang linggo.

Mahalaga ang EO ng Punong Ehektuibo sapagkat kung hindi niya ito ginawa, ang 40 percent na taripa sa MDM ay magreresulta sa double-digit hikes na presyo ng processed meat products tulad ng hotdogs at luncheon meat.

Ang mas mababang tariff rate na ito ay isang taon lamang buhay, kung hindi ako nagkakamali.

Nangangahulugan na tila nagbabago ang halaga ng karne kada taon.

Kaya para sa meat Importers at traders, mas maigi raw kung gawin itong mas mahaba o hanggang limang taon.
Well, natitiyak ko naman na pinag-aaralan itong mabuti ng gobyerno.

Tanggapin at sundin na lang po natin ang desisyon ng pamahalaan sapagkat natitiyak ko na wala namang ibang iniisip ang Presidente kundi ang kapakanan ng mas nakararami.

6 thoughts on “MABABANG TARIPA SA MECHANICALLY DEBONED MEAT (MDM)”

  1. 954615 263649This web-site can be a walk-through rather than the information you wished about it and didnt know who need to. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 801363

  2. 313935 177310Delighted for you to discovered this website write-up, My group is shopping a lot more often than not regarding this. This can be at this moment certainly what I are already seeking and I own book-marked this specific website online far too, Ill often be maintain returning soon enough to appear at on your distinctive weblog post. 881901

Leave a Reply

Your email address will not be published.