(Mabagal na pagpapatupad ng Motorcycle crime prevention law iimbestigahan) MALALAKING PLAKA SA MOTORSIKLO

SISIMULAN na ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa umano’y mabagal na implementasyon ng Motorcycle crime prevention law.

Ang pagsisimula ng imbestigasyon ay matapos na ipag- utos ni Senador Richard Gordon na chairman ng komite.

Sa ilalim ng naturang batas o Republic Act 112335, ipinag-uutos na mas malaki, mas mababasa at color coded ang plaka ng motorsiklo at hinihigpitan din ang rehistrasyon ng mga ito para mas mabilis na matunton ang may ari nito kapag ginamit sa krimen.

Pinasusulatan na rin ng komite para dumalo sa pagdinig sa susunod na linggo sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante at ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Nagpasiya Gordon para sa moto propio investigation matapos mabatid na kakaunti pa ang inilalabas na pinalakihang motorcycle plate samantalang dalawang taon na ang nasabing batas.

Dahil dito kaya pinaalala ng senador na ang hindi pagpapatupad ng batas ay maaaring ituring na malaking kapabayaan at katiwalian kaya aaksyunan ng blue ribbon committee.

Paalala pa ni Gordon na ginawa ang batas para masawata ang mga patayan na kagagawan ng mga naka motorsiklo at mabilis na maresolba ang mga ganitong krimen. LIZA SORIANO

Comments are closed.